Matapos agawin Lalaki, Patay sa Boga ng Sekyu

PATAY ANG isang hindi pa nakikilalang lalaki matapos aksidenteng pumutok ang baril ng guwardiya makaraang tangkain umanong agawin ng una sa huli kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Inaalam na ng pulisya ang tunay na pagkakakilanlan sa biktima na agad na nasawi sanhi ng tama ng bala ng kalibre .38 na baril sa mukha.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Ryan Bacong, 27, ng 378 San Isidro, Montalban, Rizal na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 ng madaling-araw, nakita ng sekyu ang biktima na walang pahin-tulot itong pumasok sa kanyang binabantayang gusali na Echo Mills Commercial sa pagitan ng 7th at 8th Ave., ng nasabing lungsod.

Dahil dito, inaresto ng sekyu ang biktima upang imbestigahan subalit tinangka umanong agawin ng huli ang service firearm na naging dahilan upang magpambuno ang mga ito hanggang sa pumutok ang naturang baril na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

(MARY H. SAPICO) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.