Matangkad na Young Actor, Super Buyangyang ng nota ‘pag nasa CR!

FINALLY, NATAPOS NA rin ang problemang pinagdaraanan ng Viva Hotbabes na si Jennifer Lee. Last year kasi, nagkaroon siya ng problema sa Cebu at nandiyang kinasuhan siya with Maui Taylor ng isang pulitiko roon na isang governor dahil nga sa hindi tamang pagso-show sa araw ng Semana Santa. Halos umabot ng isang taon ang naging kaso at ngayon nga ay nakahinga na siya nang maluwag. Bakit ka n’yo? Maayos naman na ang kinalabasan ng pagkikita raw nina Jennifer at ng pulitiko sa Cebu.

“I love Cebu, I come here a lot for work and vacation. The people are friendly and the place is inviting and welcoming. I would never do anything to hurt and offend anyone, especially in your city. I have no bad intentions. If I did offend anyone or violate any rule or ordinance, I humbly apologize,” sey ni Jennifer Tinanggap naman ng mga taga-Cebu ang kanyang apology. At ngayon nga ay inatasan pa siya para maging ambassadress of women advocacy.

Ayon pa sa mommy ni Jen, sa darating na March 19 ay babalik sila ng Cebu City para mag-participate sa women’s month.

Ngayong tapos na ang kasong kinasangkutan niya, mas pinagbubuti niya ang kanyang pag-aaral. Hindi siya katulad ng iba diyan na hindi nilingon ang pag-aaral habang nag-aartista.

Tinatapos niya ang kursong Hospitality Management major in Hotel Administration, at kumukuha rin siya ng Culinary  Arts sa Enderun College.

Balik-televison ang sexy actress, balik siya sa hosting, sa second season ng ToyzTV sa TV 5. Kaya naman happy pa rin ang buhay ni Jenn.

Hindi kaya sa bago niyang boyfriend kumbakit siya happy? Well.

SA SUPER-ANNOUNCE NA pagpaparetoke ng mukha ng nag-iisang Superstar na si Ms. Nora Aunor, marami ang nangangambang baka raw mabago ang pag-arte nito sa harap ng kamera.

Nabanat nga naman ang kanyang mukha kung kaya naman baka raw hindi nito makuha ang tamang facial expression kapag siya ay umaakting.Baka raw mukhang mataray na ang Superstar at hindi na ito mukhang maamong mukha.

Pero sinisiguro naman ng kampo ng Superstar na mas magaling at mas maganda itong umarte ngayon. Kaya abangan ang pagdating ng Superstar. Malapit na malapit na.

At kapag gumawa sa Star Cinema ng movie si Guy ay masasabi na ngang kumpleto na ang Star Cinema. ‘Yun na!

BLIND ITEM: KILALA n’yo ba kung sino itong young actor na may katangkaran, at magaling sumayaw na kapag umiihi ay super buyangyang. Kaya naman laking tuwa ng isang baklitang reporter nang minsan nakasabay niya ito sa CR kamakailan lang.

Hindi alam ng bagets na reporter ang katabi niyang umiihi sa CR.

Kaya naman inaabangan ng baklita ang young actor kapag dyumi-jingle ito kapag may guesting. Sight na sight nga raw ang nota nito na parang may dalawang klase ng kulay. ‘Yun na!

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

Previous articleDerek Ramsay at Angelica Panganiban, break na?!
Next articlePelikula nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, ‘di na nakakikilig!

No posts to display