Matandang Intsik, Kritikal sa Doorbell

KRITIKAL SA kasalukuyan ang kundisyon ng isang matandang Filipino-Chinese na babae makaraang pagsasaksakin ito sa leeg ng isang hindi nakikilalang suspek nang pagbuksan ng una ng pinto ng gate ang huli kamakalawa ng umaga sa Caloocan City.

Kinilala ng Caloocan City Sub-Station (SS)1 investigator PO1 Nepthalie Buensuceso ang biktimang si Go Hui Ho, 61 anyos, Filipino-Chinese at residente ng 7th Ave. corner Fider St., Grace Park ng nasabing lungsod.

Sa inisyal na imbes-tigasyon ng pulisya, bandang alas-8:50 nang maganap ang nasabing insidente sa gate mismo ng bahay ng biktima sa nabanggit na lugar.

Nabatid, kasama ng biktima ang nakababatang kapatid nitong babae sa ikalawang palapag ng kanilang bahay nang may biglang mag-doorbell sa kanilang gate at agad naman itong binaba at pinuntahan saka pinagbuksan.

Makalipas ang isang oras ay nagtaka ang kapatid ng biktima na si Melody Ho kung bakit hindi pa bumabalik ang kanyang kapatid. Mabilis na bumaba si Ho upang tignan kung nasaan ang kanyang ate at laking gulat nito nang makita niya ang kapatid na nakabulagta at hawak nito ang leeg habang umaagos ang dugo.

Agad nitong nilapitan at itinayo ang kanyang ate na nang mga oras na iyon ay may malay pa. Agad itong humingi ng saklolo sa Philippine Red Cross (PRC) na nagkataong malapit lamang sa kani-lang tinitirahan at mabilis na naisugod sa Chinese General Hospital ang biktima.

“Hindi namin nakausap ‘yung biktima dahil pagdating namin sa Chinese Gen. Nasa operating room na siya, pero nakita sa CCTV ng barangay na malapit din sa bahay ng ng mga Ho ay mayroong nakitang isang lalaking nakapula at nagmamaneho ng tricycle, ‘yun taong ‘yun ang nakitang pumindot sa ng doorbell,” ayon kay PO1 Buensuceso.

Bago pa man umano tuluyang mawalan ng ulirat ang biktima ay nasambit pa umano nito sa kanyang kapatid na ang tao umanong nag-doorbell ay tao nila at bukod doon ay wala nang iba pang nasabi ang biktima.

Ayon pa kay Ho, nawawala umano ang wallet ng kanyang nakatatandang kapatid na hindi pa nalalaman kung ano ang laman.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.