Matandang dalaga, kulong sa salisi

SWAK SA PIITAN ang isang matandang dalaga matapos salisihan ang isang secretary ng barangay na kumakain sa isang food chain sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Anna Dela Cruz, 40 ng Julian Felipe St., ng nabanggit na lungsod.

Sa pahayag ng biktimang si Normie Ordoñes, sekretarya ng Brgy. 12 ng lungsod, ala-1 ng umaga, kumakain siya sa loob ng MacDonald sa EDSA, Monumento ng lungsod nang pasimpleng kunin ng suspek ang kanyang pouch bag na may lamang cellphone at P15,000 na cash.

Agad naman itong napansin ng biktima na naging dahilan upang magsisigaw na nakatawag ng pansin sa mga guwardiya ng nasabing food chain.

Hinarang ang suspek at nakuha rito ang bag ng biktima bago dinala sa presinto.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.