Matamlay na kasi ang showbiz career
Aga Muhlach, sa pulitika naman magpapasikat

I JUST wonder if Aga Muhlach graduated from high school.

If I remember it right, nag-high school ang actor sa Aquinas sa may San Juan at the time na nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

After mapasama sa isa sa mga biggest hit movie ng Viva Films in the early 80s, ang Bagets na dinirek ni Maryo J. Delos Reyes, tila na-focus na ang mundo ni Aga sa showbiz.

Ako rin, hindi ko namalayan kung nakapagtapos siya ng high school or went thru this “home study” program ng DepEd kung meron man during that time.

May nagtanong kasi sa amin recently na kung tatakbo bilang kongresista si Aga under the Liberal Party, alam kaya niyang gumawa ng batas para sa mga kinasasakupan niya sa Camarines Sur in case na manalo man siya?

Granting na magagaling ang mga staff niya who will do the research and write the bill, mailalaban kaya niya nang tama sa Kongreso? Will he survive the system?

Ako rin, hindi ko malubos-maisip kung ano ang nakain ni Aga para mag-decide na pasukin ang pulitika.

Kaya nga ang biruan ngayon sa tambayan ng mga news reporters ayon sa kuwento ng isang dating news editor ng isang sikat na English newspaper sa amin, “’Yong mga hindi na sikat sa showbiz, sa pulitika naman magpapasikat”.

In fairness, kung medyo hindi man ganu’n kainit na ang career ng aktor, at least he have done his part in the industry.

Remember, noong kainitan ni Aga, siya ang highest paid male product endorser na hindi naabot ni Piolo Pascual.

 

MAGANDANG SALITA naman ang binitawan ni Janice de Belen para kay Aga Muhlach. Nang malaman niyang papasok sa pulitika ang ama ng kanyang anak na si Igi Boy; she has nice words for Aga.

Say nga ni Janice: “All I can do is give him my prayers and wish him the best.”

Pero tanungin mo sa TV host-actress ang dating mister na si John Estrada, tatahimik na lang si Janice.

Huwag mo namang sirain ang magandang mundo ni Janice, ‘no!

 

BAD TRIP ang mga beki kay Michael V. after stating na mas magaling siya at talented kaysa sa mga “bading”.

Sa totoo lang, ‘di hamak naman na mas talented ang mga beki kaysa sa kanya, ‘noh!

Sabi nga ng isang beki na classmate niya noon sa PLM (Pamantasan ng Lunsod ng Maynila) noong college days nila, “Kung hindi ko pa alam kung ano’ng pinaggagawa niya na dapat niyang pa-

salamatan ang mga baklita, ‘noh!”pagtataray pa ng pa-girl sa amin.

Ano kaya ang gustong tukuyin ng beki tungkol sa komedyante? Knows mo?
Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

16 thoughts on “Matamlay na kasi ang showbiz career
Aga Muhlach, sa pulitika naman magpapasikat

  1. Ano naman alam ni Aga sa p[olitika? laos na kasi kaya naghahanap ng kapupuntahan. Kung hindi ba naman engot, ang ganda na ng estado niya sa Kapamilya Network, lilipat pa ngayon sa Kapatid na wala din naman nangyayari ang career. Pareho lang sila ni Sharon at ni Nora Aunor na laos na

  2. Yan kasi nagmamadaling lumipat dahil sa pera. Hindi naman bumango, nawalan tuloy ng star factor at sira pa ang ulong tatakbo sa politika, anong alam nito? Mayroon dun na mas may brain pa, ibigay na lang yun dun sa may mga experience at tunay na maganda ang hangad at It’s not always the case where the grass is greener on the other side of the fence. Please maaawa naman kayo sa Pinas.

  3. Di ba palagi itong si Aga nasulat na hindi raw ito marunong makisama sa mga reporters? Ngayon baka kailangan na niyang magpakumbaba . Hilig kasi yan mag wakeboarding ba yon duun sa lugar na gusto niyang pasukan.

  4. bina blind items pa ito dati ni LUCYFERmin napakakoripot raw, lalo na pag naikain sa jollibee tudo discount raw at talagang ina antay ang sukli raw..pero ngayon kulang nalang didilaan ang puwet nya kay LUCYFERmin..nakapa PLASTIK ITOANG MATRONANG ITO..tsugi ang juicy dahil sa kanya, di nag rate buti pa dati si alex lang ok pa..

  5. AYAN KASI LUMILIPAT DI NALANG NA KONTENTO SA NETWORK NIYA. HALOS LAHAT ATA NG LUMIPAT UMAARANG KADA PABABA. KALOKAH!

  6. Magtapos muna sila at least college para hindi sila mag mukhang GRADUATE ng ISKUL BUKUL na PLAGARIZE with matching TEARS na Senator. Mga walang CREDIBILIDAD!!

  7. atsaka ngapala  yang aga muhlach nyan SOBRA din ako ngtataka sa pgtakbo nyan e SUPER KURIPOT nyan panu yan tutulong sa mga mahihirap at nangangailangan, im sure di dudukot yan sa sariling bulsa kundi sa kaban ng bayan, pg ngadaw my ngpapalimos na lumalapit dyan ni singkung duling e hindi makapgbigay at ung gastusin nman nilang pamilya e nakaacounting lahat ultimo sentimo…SUPER MAKUNAT psa inuyat…

  8. TRUE nman tlaga nyng mga artistang laos o nalalaos na esa politics agad ang takbo 4 financial reason, dun nman cla kukuha ng pgkgkakakitaan namas  malaki pa kaysa sa pggawa ng muvies at tv shows dami artista ngpolitiko na NAGULAT nlng ako ng mawats kosa tv properties nila na sobrang lawak at mahal wile ng tumakbo cla ehindi na cla gnun kaaktiv at wala na halos pera like lito lapid na ang laki2 ng lupain ngaun sa pampanga, isko moreno ang laki2 ng bahay and oders…..

Leave a Reply

Your email address will not be published.