Matakaw sa pulutan, tinarakan

KRITIKAL ANG ISANG lalaki matapos tarakan ng kainuman na naasar sa lakas mamulutan ng una na ayaw namang bumili sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng saksak sa likod si Ronaldo Dionisio, 50 ng Sitio Balut, Tonsuya ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Danny Boy Gabriel, nasa hustong gulang at kapitbahay ng biktima.

Sa ulat, alas-9 ng gabi, nakikipag-inuman sa ilang kapitbahay ang biktima at ang suspek malapit sa kanilang bahay nang sitahin ni Gabriel na malakas sa pulutan si Dionisio.

Sinabihan ni Gabriel si Dionisio na bumili ng pulutan subalit tumanggi ang biktima na ikinagalit ng suspek na nauwi sa pagtatalo.

Binunot ng suspek ang dalang patalim at tinarakan ang biktima bago tumakas habang dinala naman si Dionisio sa TMC.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.