Matador, Kinatay ng Kapit-bahay

 

KRITIKAL SA pagamutan ang isang butcher matapos itong pagsasaksakin ng suspek habang ang una ay nakikipaglamay sa burol ng kanyang kapit-bahay kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tatlong tama ng saksak ng icepick sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si John Rey Tinasas, 35, ng No. 2 Sunflower St., Araneta Village, Brgy. Potrero, Malabon City.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Gelli Boy Patron, nasa hustong gulang, kalugar ng biktima na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Sunflower St., ng naturang barangay.

Bago ang insidente, nag-iinuman sina Tinasas at Patron sa lamayan at nang malasing ay naging mai-ngay na ang huli na naging simula ng kaguluhan.

Dito, umalis ang suspek sa naturang lugar, ilang minuto ang makalipas ay bumalik ito na armado ng icepick saka sinugod ang biktima at pinagsasaksak saka tumakas.

Isinugod naman ng mga kaanak ang biktima sa Pagamutang Lungsod ng Malabon subalit hindi nagtagal ay inilipat din sa JRMMC sanhi ng malalalim na sugat nitong tinamo.

Narekober sa lugar ng pinangyarihan ng insidente ang icepick na ginamit ng suspek sa pananaksak.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.