Mataas na Puwesto sa Senado, Tinatarget ng mga Cayetano

INALOK UMANO ni Sen. Franklin Drilon ang magkapatid na Cayetano ng matataas na posisyon sa Senado para sa 16th Congress.

Agad naman umanong nagustuhan ni Sen. Alan Peter Cayetano, ang posisyon na Senate President Pro-Tempore na inaalok aniya ng Liberal Party, habang Senate majority leader naman sa kapatid na si Sen. Pia Cayetano.

Sinasabing “in the bag’ na ang pagiging Senate president ni Drilon dahil tiyak na ang pagiging mayorya ng administration coalition sa pagbubukas ng 16th Congress dahil siyam sa mga kandidato ng administrasyon ang nanalo sa nakaraang eleksyon.

Ang magkapatid na Cayetano ay kasapi ng Nacionalista Party (NP) na pinamumunuan ni outgoing senator Manny Villar, ang partidong may limang miyembro sa Senado na kabilang sa administration coalition sa nakaraang eleksyon.

Bagama’t nilinaw ni Cayetano na hindi sila personal na nag-usap ni Drilon hinggil sa pamumuno sa Senado sa halip ay sa pamamagitan ng kanyang kapatid na si Pia, kung saan nais umano ng mambabatas na nasa mataas silang posisyon sa 16th Congress.

Maliban naman sa pagiging Senate President Pro-tempore, first choice umano ni Alan ang pagiging chairman ng Senate committee on agriculture at ng blue ribbon committee na kanyang hinawakan sa panahon ng pamumuno ni dating Senate President Villar.

Samantala, sa Hulyo 22 pa magbubukas ang session ng 16th Congress at dito pa magkakaroon ng botohan para sa pamumuno sa Senado.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.