Mataas na Kalibre ng Armas, Nakumpiska sa Bulacan

DAHIL SA mas pinaigi-ting na kampanya ng Commission on Elections laban sa pag-iingat ng ‘di lisensyadong baril, nasamsam ng mga operatiba ng San Miguel Police ang Cal. 30 na US Carbine at mga bala mula sa ta-hanan ng isang sibilyan sa Zone-4 Brgy, Sibul, San Miguel,Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Marc Rivero kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Joel Orduna, kinilala ang may-ari ng naturang baril na si Rodrigo Bustinera Y Baluyot ng nabanggit na barangay.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga pulis, boluntaryong isinuko ng suspek ang kanyang caliber 45 na baril at mga bala.

Nabatid na lingid sa kalaaman nito hawak ng mga awtoridad ang isang search warrant na ipinalabas ni Branch-76 Regional Trial Court judge  Albert Fonacier sa kasong paglabag sa Republic Act  8294.

Kasabay nito, isang pang sibilyan ang kusang loob na nagsuko ng kanyang baril sa nabangit na barangay sa takot din na mahulihan at makasuhan ng paglabag sa Omnibus Election Code.

Kung saan personal nitong isinuko ang cal.45 Armscor na expired ang dukumento noong pang Abril 2012.

Samantala, pansamantalang na sa kostudiya ng San Miguel Police Station ang naturang mga baril habang  hindi pa natatapos ang implementasyon ng pinaiiral na Election Gun Ban.

 (TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.