Masyadong napagod sa Minsan Lang… Lorna Tolentino, ayaw na munang magkontra-bida!

NGAYONG ARAW NA magtatapos ang sinusubaybayan kong Minsan Lang Kita Iibigin.

Hay salamat! Makakapagpahinga na ako nang maaga dahil pinuyat-puyat ako niyan gabi-gabi!

In fairness, proud naman ako sa mga alaga ko dahil talagang ang daming tumatawag sa akin na pinupuri nila sina Lorna Tolentino, Amy Austria at Tonton Gutierrez na mahalaga ang partisipasyon sa teleseryeng ‘yun.

Sobrang napagod sila rito sa Minsan kaya talagang nagdeklara na si Lorna na ayaw na raw muna niyang magkontrabida sa susunod niyang project. May ideya na ako kung ano ang gagawin niya sa TV5, pero pag-uusapan pa nila ng writer at direktor iyan dahil mabait na role na raw talaga ang gusto niyang gawin.

Sobrang na-drain daw siya rito sa pagiging Allondra niya sa Minsan kaya pahinga na muna siya sa pagiging masama.

Si Tonton naman ay tumatanggi na muna sa mga mabibigat na role. Kahit support lang daw basta light lang okay na muna sa kanya ‘yun. Hindi pa naman na-finalize kung ano ang susunod na gagawin ni Tonton pero malamang sa TV5 na rin siya kapag okay na ang usapan. Meron na sanang ibibigay sa kanya ang ABS-CBN 2 pero pinag-aaralan pa naman iyan.

Hindi ko naman mapilit ang alaga kong si Amy na tumanggap ng bagong offer dahil nakatono na ang utak niya na magbakasyon sa New Zealand. Gusto niyang dalawin doon ang anak niyang nag-aaral. Bukod pa diyan, ayaw na muna ng dyowa niyang si Duke Ventura na magtrabaho.

Pagkatapos ma-hospital ni Amy nang matagal, ayaw na talaga ni Duke na magtrabaho siya kaya nu’ng tinanong ko kung puwede na ba akong makipag-deal sa susunod niyang project, huwag daw muna at baka after three years pa raw siya puwedeng bumalik sa pag-aartista. Parang mas gusto na lang ngayon ni Amy na magpahinga kasama ang anak niya sa New Zealand.

Pero malaking bagay itong Minsan Lang Kita Iibigin sa kanila dahil nag-bonding silang tatlo. Kaya nga sa susunod nilang project, gusto nila sila pa rin ang magkakasama. Hay, naku! Baka mapagbintangan pa kami niyang package deal silang tatlo!

 

SA LINGGO NA pala bibinyagan ang panga-lawang anak nina Paolo Contis at Lian Paz. Bongga ang line-up ng mga ninong at ninang na malapit naman sa kanilang dalawa.

Nangunguna sa listahan ng mga ninong at ninang ay sina Manny Pacquiao, Marian Rivera, Ogie Alcasid, Ariel Rivera, Ynna Asistio at ilan pang malalapit nilang kaibigan.

Zalene Abriana ang name ng pangalawa nilang baby at sabi ni Paolo, tama na raw muna ang dalawa nilang anak dahil marami pang dapat na ayusin. Isa na rito ang bahay na titirhan nila dahil matagal na iyan ipinangako sa akin ni Paolo, na malapit na raw nilang lipatan ang bahay nila sa Pasig, huh!

Ang tagal na niyang sinasabi sa akin, wala pa rin ngayon. Kaya ‘yun na lang ang hihintayin ko pagkatapos ng binyag.

Ang isa pang aayusin nila ay ang balak nilang pagpapa-kasal dahil matagal na ring pinaplano iyan ni Paolo.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

16 thoughts on “Masyadong napagod sa Minsan Lang… Lorna Tolentino, ayaw na munang magkontra-bida!

  1. i’ve just wached MMK featuring JM de Guzman as Marcelito Pomoy. He is a brilliant actor and he gave a very felt performance. Congratulations MMK and JM, you will reach greater heights in your career

  2. kahlua of san fran..pareho tayo..da best talaga yung one for all..lalo na kung si vic sotto nag nasa studi..mas magaling kasi yung batuhan nila ng punch lines ni jose ehhh..so mabalik sa mga news dito….naiinis talga ako dyan kay lian paz..mas okay pa si isabel oli for paolo

  3. pareho tayo janel. di ko rin type ang mga artista sa gma, lalo na yung mga nangagaling sa starstruck. pasensiya na po, nagsasabi lang ng totoo.

  4. ms. lollit, ok lng magpalipat2 ng istasyon pero sana lahat ng roles na tanggapin nila eh ung magbibigay ng justice sa kagalingan nila bilang artista. i admire your wards na kaya nilang tumanggi sa pagtatrabaho at nandun ung confidence na whenever they want to comeback eh lagi silang welcome.

  5. mukha pera tlga yang c lolit…kung saan malaki nag offer na datung dun sya..gudluk nlng sa mga talents nya..ang baduy kaya ng tv5..for sure babalik din ang mga yan sa abs..try nyo mnood ng juicy unfair yang pangit na cristy sobrang bias..grbe kung makalait ng mga artista outside tv5..pro pg tga tv5 grbe kung mkapuri.

  6. Hi there! shalom!!!

    s0 sad to know about Amy Austria’s long vacati0n … we like her s0 much,.as an actress, ang galing nya, same with Lorna t. we will surely miss the whole cast of Minsan lang,. ang galing talaga ng storya,. saludo talaga kami lahat dito sa bahay,. we always see to it na we will be home b4 pa mag Minsan lang….

    anyways, goodluck na lang kay Ms.Austria kung saan man sya naroroon… pls. give my regars to her.. GODSPEED! ;-)

    Rianne ~_~

  7. napagod ba siya bkit pa sya nag artista sa tv 5 ceneplex lang at face to face ang pinapanood ko pero after that abs-cbn ako sa gma naman wla ako pinapanood hindi ko type mga artista doon

  8. Malaki kasi ang offer sa TV5 kaya yon, alsa balutan kaagad, lalo na kung ang isang artist may Manager na pera lang ang sinasamba.

  9. @tanya, pareho tayo, kapamilya ako pero nanonood ako ng eat bulaga at 24 oras. Sa eat bulaga naman ang inaabangan ko lang eh ung segment nina jose at wally (juan for all), nakawawala ng stress lalo na si jose pag bumanat.

  10. SUS PLASTIKADA TONG SI LORNA ANG SABIHIN MO MUKHA KAYONG PERA NG MONEY-GER MO!!!! PA EKLAT PANG NAHIRAPAN SUS PA EKLAT PA KAYO!!!! GUD LAK NA LANG SA INYO SA TV5 MGA MUKHANG PERA!

  11. sayang ang talent ni lorna, ba’t naman sa tv5 pa eh wala namang halos nanonood dito. sabagay suweldo lang ang habol nila. pero sayang di ko na siya mapapanood dahil die hard kapamilya ako. solid na solid kapamilya. I LOVE ABS-CBN!!!!!!

  12. lolit, bakit naman sa tv5 mo pa sila ililipat? wala namang maraming nanonood sa istasyon na ito. wala pa rin tatalo sa abs-cbn at gma kung audience share ang paguusapan. yung mga shows nila di nagra-rate ,lalo na yung juicy nila na walang commercial load at negative ang dating dahil kay fermin. yung the sisters matatapos na kaagd. ano ba yan!!!!!!1

Leave a Reply

Your email address will not be published.