Masyadong apektado sa panlalait ng bashers
Heart Evangelista, magbabakasyon sa showbiz talkshow

Heart-EvangelistaNAKU, HA! Ang kuwento sa akin ng mga bakla, mahigit 2 million na raw ang views sa You Tube ng interview nina Heart Evangelista at Butch Francisco kay Deniece Cornejo sa Startalk.

Pawang negatibo ang mga komento laban kay Deniece at pati sina Butch at Heart ay tinitira rin dahil sa hindi raw nila na-handle nang maayos ang interbyung ‘yun.

Si Butch, dedma sa mga negatibong komentong ‘yun, pero si Heart ay apektado yata. Kaya balak niyang magbakasyon muna sa kaarawan niya sa susunod na linggo.

Pero kasama pa namin si Heart sa darating na Linggo para i-celebrate ang kaarawan niya sa amin.

May special guest nga siya na hindi pa niya alam kung sino. Kaya sorpresa ito sa kanya.

Anyway, balik tayo sa Startalk interview kay Deniece, balak ng programa namin na gawing kuwento itong nakaraan niyang interview na nag-viral na sa internet.

Hindi na raw ito sasagutin ni Deniece, pero ang abugado niya yata ang magsasalita para ipagtanggol ang kanilang kliyente.

Pati si Cedric Lee ay hindi na rin magpapa-interview dahil nakatanggap na sila ng subpoena kaya ang abugado na lang daw nila ang magsasalita.

Sinisikap naman namin na makapanayam na si Vhong Navarro. Nag-promise naman si Direk Chito Roño na ipapa-interview niya sa amin sa Startalk.

Anyway, abangan n’yo na lang sa Linggo.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.