Masunurin sa kinakasama Caretaker, nagpakamatay

EH, ‘DI MAGPAKAMATAY ka!”

Ito ang mga katagang binitawan ng isang ginang na sinunod naman ng kanyang live-in partner matapos magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti ang huli nang magbanta itong magpapakamatay siya kapag iniwan ng una makaraang malamang may text mate itong iba kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

Wala nang buhay na nakabigti nang matagpuan ang biktimang si Darwin Andaya, nasa hustong gulang, caretaker ng Paez Ville, Dampalit ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:30 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa kanilang bahay sa loob ng banyo na nakabigti gamit ang nylon cord.

Ayon sa salaysay ng mag-inang sina Esterlita Ganzan, 59, at Renato, 39, kasama ng biktima sa naturang bahay, huling narinig ng mga ito na nagtatalo si Andaya at ang live-in partner nitong si Annalyn Savellano, 34.

Habang nasa kalagitnaan ng pagtatalo ay narinig nilang nagbitaw ng salita ang biktima na, “Kapag iniwan mo ako, magpapakamatay ako”, na sinagot naman ni Savellano “Eh, ‘di magpakamatay ka!” at iniwan nito si Andaya.

Ilang oras ang makalipas ay nakita na lamang ng matandang Ganzan ang biktima na nakabigti sa banyo, dahil upang humingi ito ng tulong at itawag sa pulisya ang nasabing insidente.

Nabatid, bago ang insidente nalaman ng biktima na may text mate na iba si Savellano naging upang magtalo ang mga ito na nauwi sa pagpapatiwakal ni Andaya. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.