Master Plan ng NPD sa Eleksiyon

ISANG EPEKTIBONG master plan ang isasagawa ng apat na himpilan ng pulisya sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) sa ilalim ng Northern Police District (NPD) na maggagabay sa kanila sa eleksyon ngayong araw na ito.

Ayon kay P/Sr. Supt Pepito Pacada, “Everything from solutions to contact persons will be one click away. We can get the information fresh and fast.”

Ang nasabing master plan, kauna-unahan sa Kalakhang Maynila, ay iprinesinta sa apat na iba’t ibang powerpoint presentation na may titulong “Strategic Concepts and Operational Guidelines and Contingency Plans to Ensure the Election’s Success.”

Nakasaad dito ang iba’t ibang senaryo na posibleng maganap ngayong araw ng elesyon, gayundin kung paano nila maireresolba ang mga ito. “It’s difficult to think of good solutions when the problem is already in front of you,” sabi pa ni Pacada.

Isa sa mga estratehiya nila ang pagkakalat ng mga numero ng pulisya, bumbero at election supervisors na tatawagan ng mga mamamayan upang ireport ang mga insidente at krimen sa gitna ng eleksiyon. Ito rin ang magsisilbing kanilang mapa upang mabilis makita ang eksaktong lokasyon ng mga paaralan o mga presintong pagbobotohan ng mga tao.

Ang mga numero sa “Election Tawag Center” ng Station Election Monitoring Action Center (SEMAC) para sa landline numbers ay 02-362-3276 at 02-365-7640. Sa mga cellphone numbers naman ay 0916-4352206 para sa mga Globe subscribers, 0939-2307578 para sa Smart at 0932-6353851para naman sa mga Sun subscribers.

Kasama naman sa nasabing plano ang ilang numero na ang mga Chief Of Police (COP) lamang ang nakakaalam upang maiwasan ang pagresponde nila sa mga text messages na reklamong hindi naman pala totoo at sinasayang lamang ang oras nila na sa halip ay makaresponde pa sa mga totoong insidente.

“Only the chiefs of police (COP) know the numbers of these contact persons, so when something happens, the district has to call the COP’s first to ask them to vet a certain complaint or information that we’ve received. That consumes a lot of time. Now, we can immediately act on a real problem. Our tasking will also be easier or smoother because each of us know what to do and who exactly should respond to a certain problem,” dagdag pa ni Pacada.

Concerted effort umano ng lahat ng government agencies at maging ng non-government organizations na gaganap sa malaking papel sa darating na botohan. Sa pakikipagtulungan din ng Department of Education (DepEd), Philippine Long Distance Telecom (PLDT) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

“This include the Commission on Elections, the Department of Education, Bureau of Fire, and the police, among others. They were joined by non-government organizations and private companies, like Meralco. The Camanava area is expected to be generally peaceful for the May elections except for Caloocan where the Echiverri’s and Malapitan’s supporters are also expected to compete head on for the mayoral and congressional posts,” pagtatapos ni Pacada.

(ROMAN MAGPOC)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.