Mason, Pinalaklak ng Bala

SA HALIP na alak, bala ang ipinalaklak sa isang mason nang barilin ito at mapatay galing sa pagbili ng inu-ming nakalalasing kahapon sa Malabon City.

Ang biktima na idineklarang dead on the spot sanhi ng tama ng bala ay nakilalang si Lorenzo Gepulle, Jr., 41, residente ng Purok 6, Dulong Hernandez St., Brgy. Catmon ng nasabing lungsod.

Nakatakas naman ang wala pang pagkakakilanlang suspek makaraan ang krimen.

Ayon kay Malabon City Criminal Investigation Section Chief P/ Sr. Insp. Gregorio Catacutan, alas-3 ng madaling-araw, bumili ng alak ang biktima at habang naglalakad ito pabalik sa kanilang bahay ay bigla na lamang binaril ng suspek si Gepulle.

Nang matiyak na patay na ang biktima, tumakas ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.