Masbate, niyanig ng 5.2 na lindol; 6 sugatan

 

ANIM KATAO na ang sugatan kasunod ng magnitude 5.2 na lindol sa Masbate City pasado alas-7 kahapon ng umaga.

Ayon kay Masbate provincial director S/ Supt Heriberto Olitoquit, ang mga biktima ay agad nilapatan ng pangunahing lunas kung saan may bata at matanda na nagtamo ng mga galos at head injury.

Napag-alaman din sa opisyal na agad ding nagkaroon ng inspection sa Masbate City na tinumbok ng epicenter.

May nadiskubre ring mga crack ang kawani ng City Engineering Office sa tinatayang lima hanggang anim sa magkakahanay na gusali at concrete structures sa mismong sentro ng nasabing lungsod.

Limang minuto pagkatapos ng magnitude 5.2 earthquake ay naramdaman nila ang may kalakasang aftershock, dagdag pa ni Olitoquit.

Mananatili namang sarado ang naturang mga gusali at mga katabi pang establisimyento hanggang sa hindi natatapos ang ginagawang inspeksyon sa lugar ng City Engineering Office at City Disaster Risk Reduction and Management Committee.

May pangamba rin kasi na posibleng lumala pa ang nasabing mga bitak kung patuloy na magkakaroon ng mga aftershock sa nabanggit na lungsod.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.