Masbate Gold Project, sumuporta sa 1st Bicol Mining Conference

NAGING PANGUNAHING SPONSOR sa isinagawang 1st Bicol Mining Conference na ginanap kamakailan sa Legazpi City, ang itinuring na may pinakamala-king mina ng ginto sa bansa, ang Masbate Gold Project (MGP) sa bayan ng Aroroy, Masbate sa ilalim ng Filminera Resources Corporation (FRC).

Ayon kay Region 5 Regional Director Reynulfo Juan ng Department of Environment and Natural Resources-Mines and Geosciences Bureau, ang okasyon ay ang kauna-una-hang summit na inorganisa ng kanilang tanggapan sa pakikipagtulungan ng Philippine Society of Mining Engineers Bicol Chapters na ang Director ay si Filminera Compliance Manager Sulpicio Bernardo III.

Naging matagumpay umano ayon kay Juan ang tatlong araw na conference na tinampukan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang kompanya ng mina sa bansa tulad ng Rapu-Rapu Processing Resources and Development Corporation, Good-Found Cement Corporation, ORICA Mining Services, Drill Corporation, GALEO Equipment and Mining Company, BATANCOAL Resources Corporation, Leighton Contractors Inc., SAMUTU Corporation, TVI Resources Development Inc., Sagittarius Mines Inc., at Guill-Bern Corporation.

Bukod dito, marami rin ang dumalong estudyante mula sa mga kilalang paaralan na gustong magkaroon ng kaalaman tungkol sa industriya ng mina, kung saan ang matataas na opisyal mula sa iba’t ibang sa-

ngay ng pamahalaan ang naging panauhin at mga tagapagsalita sa nasabing okasyon.

Isinulong ng ilan sa mga tagapagsalita ang kanilang tema na “Towards Responsible Mining Against All Odds” at itinuwid din nila ang mga maling akala tungkol sa responsableng pagmimina at ginawang halimbawa sa harap ng mga kinatawan ng mga nabanggit na mining companies ang operasyon ng Filminera kung paano sinusunod nito ang mga alituntunin sa respon-sableng pagmimina at pagtupad ng kanilang mga obligasyon sa bayan ng Aroroy lalo na sa mga barangay na nasasaklawan ng kanilang operasyon.

(DADONG BRIONES)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.