Masangsang na amoy, umalingasaw Bangkay ng magsyota, narekober

RIZAL – ANG UMALI-NGASAW na masangsang na amoy ang naging susi upang matuklasan ang bangkay ng magkasintahan sa loob ng kanilang bahay sa bayan ng San Mateo, Rizal kamakailan.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga biktima na sina Jonathan Quinones, 39; at Jonah, 33, ng Block 43, Lot-14, Phase-4A, Tierra Monte, Barangay Silangan, San Mateo, Rizal.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni P02 Raymond Mendeja, narekober ang insidente dakong alas-6 ng gabi matapos makatanggap ng tawag ang pulisya mula sa ilang concerned citizen na nagrereklamo sa masangsang na amoy na nagmumula sa loob ng tahanan ng dalawa.

May hinala Ang mga kinauukulan na crime of passion ang motibo matapos na matagpuan sa gilid ng bangkay ni Quinones ang isang pistola at magazine na sinasabing ginamit sa krimen.

Hindi pa naman matukoy ng mga pulis kung pinaslang muna ng lalaki ang babae bago nito kinitil ang sariling buhay. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.