MASAMANG-MASAMA ANG LOOB ng isang sikat na young actress sa kanyang ama dahil sa hindi magandang pagtrato nito sa kanyang ina.

MASAMANG-MASAMA ANG LOOB ng isang sikat na young actress sa kanyang ama dahil sa hindi magandang pagtrato nito sa kanyang ina. Nagulat na lang ito sa hindi magandang inasal ng dating asawa ng kanyang ina nu’ng minsang magbakasyon ito sa bansa. Pinagbabawalan din ang young actress ng kanyang ama na isama ang ina sa pagdalaw sa kanyang mga lolo at lola na magulang ng kanyang ama sa ibang bansa, dahil baka hu-mingi raw ito ng sustento at mamanahin. Hindi nagustuhan ng ina ang paratang. Hangarin lang nitong makasama ng anak ang mga lolo at lola nito na matagal nang nawalay. Sa ngayon, pinag-aaralan nilang mag-ina ang hakbang na gagawin at handang ubusin ng young actress ang perang kinita sa pag-aartista.

(Maica Tidila)

loading...

2 thoughts on “MASAMANG-MASAMA ANG LOOB ng isang sikat na young actress sa kanyang ama dahil sa hindi magandang pagtrato nito sa kanyang ina.

Leave a Reply

Your email address will not be published.