Masaker sa Sabah, Idudulog sa Int’l Crime Court

NABAHALA SI Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari na maaaring panagutin sa International Criminal Court of Justice ang Malaysian government kaugnay sa aniya’y pagmasaker sa mga Filipino-Muslims sa isla ng Sabah.

Binatikos pa ng opisyal ang pamunuan ni Prime Minister Najib Razak na umano’y gumagamit ng state terrorism para supilin ang grupo ni Raja Mudah Kiram.

Matatandaan na maliban sa ilang batalyong sundalo ay gumamit pa ng mga fighter jets at Black Hawks helicopters ang Malaysian Riyal Police para bombahin ang kuta ng mga tagasunod ng Sultanato ng Sulu.

Samantala, sinasabing umakyat na sa mahigit 40 ang bilang ng mga nasawi dahil sa nasabing pag-atake.

Maliban dito, umalma rin ang opisyal sa pagtanggi ng Departmenr of Foreign Affairs (DFA) sa kanyang panukala na idulog na sa Organization of Islamic Cooperation ang Sabah issue.

“Eh kung ayaw nila ng peaceful talks, peaceful resolution, that means tuluy-tuloy na ang kanilang paggamit nang kamay na bakal, that could lead to tragedy, massacre and heinous crimes againts our people, the humanity. This could qualify para kasuhan sa international court si Prime Minister Najib and his military officials,” ani Misuari.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.