Sipat-eklat: Mas type ang personalized massage: Tony Boy, tinanggihan ang regalong massage chair ni Gretchen Barretto!

SIPAT: Naks, MAMAHALING SPORTS CAR ang REGALO kay GRETCHEN BARRETTO ni TONY BOY COJUANGCO.
EKLAT: ‘HIRAP ISANGLA n’yan!

SIPAT: TINANGGIHAN naman ni TONY BOY ang MASSAGE CHAIR na IREREGALO naman sana ni GRETA.
EKLAT: Mas MASARAP pa rin siyempre ang PERSONALIZED MASSAGE ni GRETA!

SIPAT: SIXTEEN YEARS na pala ang RELASYON nina GRETCHEN at TONYBOY.
EKLAT: Talagang ang MATIBAY na PUNDASYON ng isang RELASYON ay PAGMAMAHALAN… at KAYAMANAN.

SIPAT: Parang HINDI TUMATANDA si GRETA. Ang GANDA pa rin niya, in fairness.
EKLAT: Ang SIKRETO kaya niya: SOBRA-SOBRANG PAGMAMAHAL, PERA, at SIYENSIYA?

SIPAT: Sey ni BAYANI AGBAYANI, BIBIGYAN niya raw ng KAKAIBANG GIMIK ang VIEWERS ng DIZ IZ IT!
EKLAT: ‘Yung HINDI NAPAPANOOD sa SHOWTIME, ha? Pramis?

SIPAT: TATAPATAN ng PILIPINAS GOT TALENT ang TALENTADONG PINOY.
EKLAT: Kaya mula LUNES hanggang LINGGO, NAKABALANDRA si KRIS AQUINO sa TV n’yo!

SIPAT: Naks, PINARANGALAN si MARIAN RIVERA ng BUREAU of INTERNAL REVENUE bilang TOP TAXPAYER ng MANDALUYONG.
EKLAT: KABADO namang TIYAK ang mga ARTISTANG HINDI TAMA ang BINABAYARANG BUWIS. Naka-MONITOR pala ang BIR, e!

SIPAT: Dapat GAWING ROLE-MODEL si MARIAN sa PAGIGING TAPAT sa PAGBABAYAD ng kanyang TAX.
EKLAT: ‘Wag na lang KULITIN sa kanyang LOVELIFE si MARIAN, ha? HIRAP siyang MAGTAPAT, e!

SIPAT: BUNTIS ba TALAGA si ROXANNE GUINOO, kaya AYAW niyang MAGPAINTERBYU?
EKLAT: Kaya HINTAYIN na lang na MAKAPANGANAK si ROXANNE para siya MAKAUSAP?

SIPAT: GUSTO pa rin daw GUMAWA ng PELIKULA ni SEN. LITO LAPID.
EKLAT: Napi-FEEL na niya ang RESULTA ng DARATING na ELEKSIYON…

SIPAT: PUWEDE namang PAGSABAYIN ni JACKIE RICE ang pagiging SEXY at the same time ay WHOLESOME pa rin ang IMAGE.
EKLAT: ‘Yan ay kung KAKAGATIN pa siya ng TAUMBAYAN!

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

loading...

3 thoughts on “Sipat-eklat: Mas type ang personalized massage: Tony Boy, tinanggihan ang regalong massage chair ni Gretchen Barretto!

  1. kaya nga nakabalandra sa lahat ng araw ang pagmumukha ni kris dahil sa kampanya, sayang ang pagkakataon. katatapos lang ang isyu kay mayen gumawa nanaman ng panibago yung bang sa banyo na nabagok my head at 180/100 ang bp nya.

    sana tumalon na lang sya sa pinakamataas na building ng makati o sa makati med. mismo para di na lumayo at hindi na kailangang mag pa pres release dahil pag uusapan talaga. lalo na kung mauna yung head nya.

    kawawang mga aquino, ngayn ako naniniwala na mga abnormal talaga sila.

  2. kapag etong si LITO LAPID eh nahalal uli bilang senador, wala na talagang pag-asa ang mga pilipino.

    sa tagal ng ipinamalagi niyan sa senado eh nagbibilang lang ng butiki sa kisame yan at ni minsan hindi mo naringgan na nagsalita ang taong yan sa loob ng session hall!

    MGA KABABAYAN, HUWAG NATING HAYAANG MASAYANG ANG BOTO SA MGA TAONG WALA NAMANG NAITULONG SA ATING BAYAN!

    • Matagal ng walang pag-asa ang mga Pilipino, ‘no? Kasalanan nila ‘yan. Mga tanga at bobo sila. Madali silang paikutin. It takes two to tango. lol

Leave a Reply

Your email address will not be published.