Mas type ang bokalista ng The Script
Janine Tugonon, hiniwalayan ang boyfriend

KINUMPIRMA NI 2012 Miss Universe first runner-up Janine Tugonon at ng boyfriend nitong si Jaypee Santos na nauwi sa break up ang mag-iisang taong relasyon nila dahil sa The Script vocalist na si Danny O’ Donoghue nang sabay na mag-guest ang dalawa sa Kris TV. Dito ay inamin ng beauty queen na siya ang nakipaghiwalay kay Jaypee at ito ay dahil naguguluhan siya sa nararamdaman niya para sa foreign singer.

Nagkakilala nang pumunta sa bansa ang nasabing banda at nagkaroon ng meet and greet sa mga tagahanga nito sa Araneta Coliseum, personal na nagkakilala sina Danny at Janine at dito ay tinanong ng bokalsita kung may boyfriend ba siya. Itinuro naman ni Janine si Jaypee. Sa kabila nito, nagsabi pa rin ang bokalista na i-follow siya ni Janine sa Twitter at ipa-follow back naman niya ito at nag-direct message sa kanya na sinagot naman niya. Dito ay nagalit si Jaypee, nagkaroon ng argumento na nauwi na nga sa pakikipaghiwalay ni Janine sa ex-boyfriend.

Noong una, pakiramdam ng beauty titlist na baka nagagandahan lang ito sa kanya. Pero kalaunan ay naramdaman din niya na gusto siyang higit na makilala nito. Ayon kay Janine gusto niya munang mag-isip-isip at maglaan ng panahon para sa kanyang sarili. Dagdag na pahayag din ng beauty queen, mas maganda nang naramdaman niya ito hangga’t ‘di pa sila kasal at ‘di pa talaga sila tali sa isa’t isa ng ex-boyfriend.

Katakut-takot na pamimintas ang natanggap ni Jaypee mula nang manalo si Janine bilang first runner-up sa Miss Universe 2012, kung saan bukod sa nilait ang pisikal na anyo nito ay kinukuwestiyon pa ang kasarian. Hinangaan ng marami noon si Janine nang magbitaw ng kasiguraduhan na kahit pasukin niya ang mundo ng showbizness, ‘di niya ipagpapalit kahit na kanino si Jaypee.

Pero sa nangyaring ito, patunay lamang na maraming pangako ang maaaring mapako at walang permanenteng bagay talaga sa mundo.

 

SA PAG-ALIS ng mga dating kasama sa grupong The Champions ng ASAP mula kay Rachelle Ann Go, Mark Bautista at kamakailan nga ay si Christian Bautista kung saan pare-parehong napapanood na ang mga ito sa Party Pilipinas, aminado si Erik Santos na nakaramdam siya ng lungkot sa pag-alis ng mga kaibigan.

Aminadong kahit siya ay nakatanggap din ng mga alok dati na maglipat-bakod pero nanatili pa rin sa bakuran ng ABS-CBN, ayon sa Prince of Pop ay masaya siya sa Kapamilya Network at ito na ang pamilya niya sa simula pa lang.

Nagseselebra ng 10th year anniversary sa showbizness ngayong taon, kung saan magkakaroon ng major concert sa dara-ting na Oktubre at malaki ang posibilidad na gawin ito sa Araneta Coliseum, isang kakaibang show ang ibibigay ni Erik sa kanyang mga tagahanga at mga nagmamahal sa kanya. Kakaiba raw kaysa sa mga nauna na niyang nagawang shows.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

12 thoughts on “Mas type ang bokalista ng The Script
Janine Tugonon, hiniwalayan ang boyfriend

  1. nako nmn eh the script un noh kht ako gugustuhin ko xa ang mali mo janine my bf kna ee… kung lalandi kdn lng wag public… alam mu nmn ang pinoy mapanghusga tlga …

  2. sayang….
    sa ganong issue lng then break up agad..interesado lng talaga sa PUTI kaya ganon ang gnawa pwd naman ifix yan…di ung kusang hiwalayan..wala naman assurance sa PUTI..

  3. how sad !!! euw… obvious ra kau na interesado jud na cia sa WHITE MAN kai kung di pa .. mo entertain vah d.i nahhh…sayang ung relation ninyo ni jaypee…

  4. kayo na ang makakita ng superlong n longganisa! matutulad lang iyan kay mirriam. pinagsawaan ng foreigner. ngaon binubugbog na lang ni kimi dora. dakilang extra na lang. ang  kahiya ka jainine.

    • HAHAHA. OBVIOUS NAMAN NA KINILIG ITONG SI JANINE SA FORENJER NA YAN, KAYA AYUN, NAKALIMUTANG BIGLA NA MAY BF PALA SYA. HAHAHA!

  5. Forever di magbabago si janine sabi nya dati. Ngayon nakakita lang ng puti at supot naman ay nakipagbreak sa syota. Di bale may karma naman daw e. ang landi mo day!

    • AY REMEMBER KO YUNG MGA INTERVIEWS NYA AFTER WINNING 1ST RUNNER UP SA MS U. MAHAL NA MAHAL NYA RAW ANG LOLO AT MAY PLANO NA RAW SILA NA KUNG ANIK-ANIK. AYUN, DAHIL LANG SA FORENJER, NAGKA-AMNESIA ANG LOLA. HAHAHA

  6. nagmamaganda naman itong si janine buti nga seryoso sayo ang bf mo noh! wag ka namang talandi girl, wag mo namang paglaruan ang feelings ng lalaki..hindi mo pa nga lubusang kilala yung bokalista na yon eh… o baka naman naghahanap ka ng mas MALAKI di kaya? haha

  7. hay janine, sana seryosohin ka ni danny gaya nag pagseryoso ni jaypee sayo when you were still a nobody! you’re such a turn off!

  8. SAD NAMAN ITONG SINA JANINE AT JAYPEE. HONESTLY, KAHIT PA SABIHING PANGIT O MUKHANG BEKINESE ITONG SI JAYPEE, AMININ DAPAT NI JANINE NA I’M SURE NAGSUMPAAN ANG DALAWA NA MAGKAKATULUYAN SILA, NA MAGKAKARON SILA NG PAMILYA, ETC ETC. KASO, NANG MA-EXPOSE ITONG SI JANINE SA “OUTSIDE WORLD” WHERE SHE GETS TO MEET MUCH BETTER-LOOKING AND EVEN RICHER AND MORE PROMINENT GUYS, NASILAW NA RIN SYA. SUDDENLY, NAKALIMUTAN NYA ANG SUMPAAN AT PANGAKO NILA NI JAYPEE. HAHAHA. KALOWKAH! ANG NAGAGAWA NGA NAMAN NG KASIKATAN. I BET NAGPADALA SI JANINE SA MGA BULONG NA BAKIT SYA NAGTYATYAGA SA ISANG MALAYO ANG ITSURA SA KANYA AT MUKHA PANG SHOKLA. WELL, SANA LANG TAMA ANG DESISYON NYA. AT ITO NAMANG SI JAYPEE, MAGPAKALALAKI KA! HAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.