Mas pinalaking pagdiriwang ng Bonifacio Day kasabay ng malaking sale sa Tutuban Center

ANG PAG-ALALA at pagdiriwang ng kapanganakan ng isa sa mga kilalang bayani ng ating panahon, si Gat Andres Bonifacio, ang kinikilalang “Ama ng Katipunan”, ay mas pinasaya sa sikat na pamilihan sa Maynila, ang Tutuban Center.

Para sa ika-150 na pagdiriwang ng Bonifacio Day ngayong darating na ika-30 ng Nobyembre 2013, ay naghanda  ang Tutuban Center ng mga natatanging activities para sa makasaysayan na araw na ito. At isa na nga dito ang  malakihang sale ng mga bilihin ng mga tindero’t tinder ng Tutuban Center.

Maaaring makakuha nang hanggang 50% sa mga piling produkto mula sa mga piling tindahan at ito ay magsisimula mula ika-29 ng Nobyembre hanggang sa ika-1 ng Disyembre 2013. Mamimigay rin ang Tutuban Center ng Robinsons GCs sa unang 30 mamimili na magpakita ng resibong may halagang P1,000 ang mga ipinamili.

Bukod sa Robinsons GCs, may mga gadgets rin na ipapa-raffle araw-araw. Para makasali sa raffle, kailangan lamang magpakita ng isang resibo na may halagang P1,000 para sa pagkakataong manalo ng isang Apple iPad Mini, Asus Memo Pad HD 7 Tablet PC o Robinsons GCs na may halagang P5,000.

Bukod sa malawakang sale, tampok pa rin sa pagdiriwang ng Bonifacio Day tuwing ika-3 ng Nobyembre ang traidsyonal na pag-aalay ng bulaklak tuwing umaga sa Bonifacio Plaza sa harap ng Tutuban Center, kasama ang mga kinatawan ng gobyerno kabilang ang isang kamag-anak ni Bonifacio mismo.

Sa araw na iyon, may mga iba’t ibang atraksyon sa palibot ng Tutuban Center na magbibigay musika, mime acts, mga magicians at mga nakakatawang human statues, para magbigay ng aliw sa mga mamimili na inaasahang pupunta sa iba’t ibang tindahan sa palibot ng Tutuban.

Gayumpaman, ang pinakatinatampok pa rin ng pagdiriwang ng Bonifacio Day sa Tutuban ay ang pagpapa-ilaw ng higanteng Christmas Tree sa Bonifacio Plaza. Sama-sama ang lahat, mga bisitang artista, mahahalagang personalidad at bisita, kasama ang mga mamimili, sa pagbibilang bago tuluyang pailawan ang malaking Christmas Tree, na sumasagisag sa pag-asa ng mga tao sa kabila nang lahat ng mga hamon at paghihirap sa buhay.

Para sa mga karagdagang detalye, pumunta sa Tutuban Center sa C.M. Recto Avenue sa makasaysayang distrito ng Tutuban sa Divisoria, Maynila.

loading...

One thought on “Mas pinalaking pagdiriwang ng Bonifacio Day kasabay ng malaking sale sa Tutuban Center

  1. Pingback: Mas pinalaking pagdiriwang ng Bonifacio Day kasabay ng malaking sale sa Tutuban Center - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.