Mas Malawak na Puwersa ng US Military, Ok sa ‘Pinas

MAY POSIBILIDAD umanong pumayag ang Pilipinas sa pagtanggap ng mas malawak na puwersa ng militar mula sa Estados Unidos.

Base sa report ng Washington Post, nakasaad na nasa gitna ng negosasyon ang dalawang bansa.

Ayon sa analysis, nanga-ngahulugan daw ito na magsasanib puwersa ang Amerika at Pilipinas laban sa bansang China, kung sakali kaugnay ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Sinasabing isang senior official mula sa bansa na tumangging magpakilala ang nangunguna sa nasabing negosasyon.

“We can point to other countries: Australia, Japan, Singapore. We’re not the only one doing this, and for good reason. We all want to see a peaceful and stable region. Nobody wants to have to face China or confront China,” ayon sa naturang opisyal.

Kabilang sa mga pinag-uusapan ay ang posibleng pagpaparami ng U.S. Navy ships sa bansa, pagpapatagal ng presensya ng U.S. troops gaya ng 600 special forces sa Mindanao, deployment ng U.S troops at pagdagdag ng annual joint military exercise.

Samantala, wala pang komento ang administrasyon ni U.S President Barack Obama hinggil sa naturang impormasyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Mas Malawak na Puwersa ng US Military, Ok sa ‘Pinas

  1. dadami na naman ang mga prosti kung saan ang base ng u.s. not to mention, more AIDS/HIV victims. on the china/pinas issue, malaki utang ng u.s. sa china kaya dedma lang sila kapag natuloy na paulanan tayo ng nuke ng china.

Leave a Reply

Your email address will not be published.