Mas malaking pondo sa Corona impeachment, idinepensa

INAMIN NA rin ng Palasyo ang karagdagang pork fund para sa mga mambabatas, ilang buwan pagkatapos mapatalsik sa puwesto si Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Sec. Florencio “Butch” Abad na galing sa Disbursement Acceleration Program (DAP) ang tinatayang P1.107-bilyon na ibinahagi sa mga senador.

Gayunman, kaagad nilinaw ng kalihim na hindi ito suhol sa mga mambabatas na bumoto para masibak ang dating punong mahitrado.

Lumalabas na sa 20 mambabatas na bumoto para sa impeachment ng former chief justice, sina Sen. Juan Ponce Enrile na nagsilbing prisiding judge, Senate President Franklin Drilon (dating committee on finance chairman) at Sen. Francis Escudero ang sinasabing nakatanggap nang mas malaking pondo.

“Why JPE and Drilon got higher allocations? They were SP (Senate president) and chair of the finance committee, respectively. Many more go to them for help,” ani Abad.

Sinabi pa ng kalihim na ang DAP umano ay binuo ng DBM para sa mga karagdagang infrastructure projects ng mga senador at para mapalawak pa ang “economic expansion.”

Samantala, una na ring binigyang diin ni Drilon na ang karagdagang pondo ay hindi suhol sa mga nagdiin sa kaso ni Corona.

“But if the insinuation is that the Department of Budget and Management and I gave out additional PDAF funds as incentives to those who voted to convict then Chief Justice Renato Corona, that is not true,” ayon kay Drilon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.