Mas maganda pa raw kay Grace Lee Paolo Bediones, Koreanang DJ din ang GF!

AYAN! TAPOS na ang Holy Week, inaabangan na ng mga tao kung ano itong pasabog ni Amalia Fuen-tes laban kay Annabelle Rama.

Ang sabi niya sa Twitter account, hintayin lang daw pagkatapos ng Easter Sunday, magsasalita na siya para ilantad daw ang lahat tungkol kay Annabelle.

Siyempre, sinagot naman ni Bisaya na hindi siya natatakot sa kung ano mang pasabog ni Amalia, dahil alam naman daw ng mga tao ang tungkol sa buhay niya.

Ang sabi naman ni Annabelle, baka ma-shock daw ang mga tao sa mga sasabihin niya laban kay Amalia.

Ibig sabihin niyan, maglalabasan sila ng baho nila? Nakakaloka ‘yan, ‘day! Tiyak na sa demandahan ang ending niyan.

Kung hindi n’yo pa alam, lalong lumalala ang gulo ng dalawa nang dumating si Annabelle sa necrological mass ni Joey Stevens na dating karelasyon ni Amalia.

Pinalayas ito ni Amalia habang nagmimisa pero hindi umalis si Annabelle dahil dumaan lang naman daw siya nang nalaman niyang nandu’n pa pala si Joey. Kaibigan naman daw niya ito kaya hindi naman daw niya maatim na hindi dumalaw kay Joey bago ito ilibing.

Naging isyu pa ang kulay ng damit ni Annabelle na suot dahil ang sabi ni Amalia, naka-all red daw ito. Pero ipinost ni Annabelle ang litrato nito sa Twitter niya na naka-orange naman daw siya. Saka napadaan lang daw siya roon pagkatapos ng miting niya malapit du’n sa Sanctuario de San Antonio.

Hay, naku! Kaloka sila! Ma-tindi ang mga palitan nila ng mga maanghang na salita sa Twitter.

Itong si Amalia, nag-create daw ng Twitter account niya para lang makasagot sa mga pasaring ni Annabelle. Pero nang tinanong ito ng mga reporters, dineny niya ang Twitter na ‘yun. Baka raw gawa ‘yun ng mga supporters niya. Kinabukasan nu’n, hindi na available ang Twitter account niya.

Si Annabelle naman ay nanahimik na muna dahil Semana Santa. Ang sabi raw ng guardian angel niya, tahimik na muna ito at ipagdasal ang mga naiinggit at nang-aaway sa kanya. Sa Baguio sila nagbakasyon para lumamig ang ulo ni Annabelle.

Mahaba pa ang gulong ito na tiyak na pagpipiyestahan ng mga reporters at followers nila sa Twitter.

Hay, naku! Mas mainit pa sa summer ‘tong gulo nila. Abangan na lang natin kung saan ‘to ha-hantong.

 

KUWENTO NG mga bading, nandu’n din daw sa Baguio nagbakasyon si Paolo Bediones at nakita raw nila roon kasama ang girlfriend niya.

Tahimik lang si Paolo sa lovelife niya dahil hindi naman showbiz itong girl.

Ang kuwento sa akin, Koreana raw itong girlfriend niya na isang radio DJ gaya ni Grace Lee. Ang ganda raw ng girl, na mas maganda pa kay Grace, huh!

Ayaw lang daw itong pag-usapan ni Paolo dahil mas gusto niyang tahimik lang ang lovelife niya para hindi na maiintriga.

Mas type na lang ni Paolo na pag-usapan ang nalalapit na pagsisimula ng Extreme Makeover Home Edition Philippines niya na magsisimula sa April 15.

Pero simula ngayong araw, magsisimula na ang primetime nito. ‘Yun na lang!

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “Mas maganda pa raw kay Grace Lee Paolo Bediones, Koreanang DJ din ang GF!

  1. kaabang abang ang palengke war nina annabelle at amalia.kahit na yung iba jan na sasabihing palengkera ang awayan pero for sure aabangan nila ang word war ng dalawang amoy lupa! hahahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.