Mas importante ang career kaysa babae
Daniel Padilla, hindi priority si Kathryn Bernardo

Daniel-Padilla Daniel-Padilla-Kathryn-BernardoTINIYAK NI Rommel Padilla na hindi makabubuntis ang kanyang ank na si Daniel Padilla sa panahong ito na kanyang kasikatan. Nasabi kasi ito ni Rommel dahil sa mga ispekulasyon na baka matulad sa kanya ang anak na nakabuntis sa gitna ng kanyang kasikatan noon sa action films.

Sa kasikatan raw kasi ngayon at super close pa ito sa ka-loveteam na si Kathryn Bernardo, may pressure daw sa dalawa na maging sweet at mauwi sa totohanan ang kanilang sweetness at mauwi sa pagbubuntis.

Lagi naman daw pinangangaralan ni Rommel ang anak na si Daniel na huwag sayangin ang magandang pagkakataon na dumarating sa buhay ngayon.

Pabor naman si Rommel kay Kathryn para kaya Daniel dahil nakikita niya ang kanyang anak na masaya kapag kasama ang dalaga. Pero may bilin siya kay Daniel na huwag magpakaseryoso sa lovelife para hindi ito maging sagabal sa kanyang pag-aartista.

Hindi maipangako ni Rommel na tutuparin ng anak ang mga payo niya dahil may sariling isip na si Daniel. Sa tingin naman daw niya, mukhang mas importante sa anak ang career kaysa babae.

Super proud nga si Rommel sa kasikatang tinatamasa ni Daniel at hanga ito sa ipinakikitang pagmamahal nito sa mga kapatid. Matatapos na ang bahay na ipinatayo ni Daniel na may kanyang-kanyang kuwarto ang kanyang mga kapatid. At ibinili na rin nito ng kanyang-kanyang kotse ang mga kapatid.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

4 thoughts on “Mas importante ang career kaysa babae
Daniel Padilla, hindi priority si Kathryn Bernardo

  1. Kathryn is a contributing factor in Daniel’s popularity and we just can’t disregard the fact that she is an important woman in Daniel,s life.

  2. Daneil and Kathryn are both too young to be in a serious relationship, but it is an undeniable fact that they both like each other so much and no one will be surprise if they end up together in the future…I just hope that the parents do not use Daniel’s popularity and money for their own needs….by the way this report kasi, it looks like haping hapi sila dahil ang daming naibigay sa kanila ..bahay, kotse sa mga kapatid…things that parent should provide their children…sana naman bigyan din nila ng importansya yung feelings nung bata…Daneil should save some for his future while he still can…nothing in showbiz is permanent…Rommel and Carla advise Daneil to invest and save..…by the way, was Rommel there when Carla was raising Daneil…if yes, bakit nagkanda utang utang daw itong si Carla….ngayon may pera na, biglang nanyan ng lahat….tanong lang naman…

  3. Sikat siya pero hindi niya kinayang tulungan ang pelikula ng pamilya nila na Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Kapatid. 22 million lang ang kinita.

Leave a Reply

Your email address will not be published.