Mas Dakota pa sa Booking: Gay Comedian, Muntik Nang Ayawan ng Natakot na Menchu!

BLIND ITEM: KINSA Siya? May pagmamalaki pang ikinuwento sa akin ng isang gay comedian ang kanyang karanasan isang gabing nangangailangan siya ng ‘dilig’ sa kanyang nanunuyong bukid.

Rumampa diumano siya sa university belt dahil gusto niyang makatikim ng kaligayahan na maibibigay ng estudyante na kanyang mabibingwit. Jackpot naman daw ang kanyang gabi dahil hindi Pinoy ang kanyang nabitag kundi isang afam (read: foreigner), kaya tuwang-tuwa ang loka dahil iniisip niyang dakila ito at talagang maliligayahan siya.

Nang pumasok na sila sa motmot (read again: motel), sinimulan agad niya ang kakaibang seremonya ng paglalakbay papunta sa langit. Nang hubo’t hubad na silang dalawa, nanlumo at mukhang natakot ang menchu dahil malaki na nga ang kanya, mas malaki pa pala ang ‘nota’ ng gay comedian.

Aktong aayaw na ang lalaki pero napakiusapan ito ng comedian na ituloy na nila ang kanilang ginagawa. Clue, ang gay comedian na ito ay may screen name na katunog nang namayapang reyna ng intriga… Ay sus, ikaw talaga Inday, ayaw ni Dodong ng ganyan, hahaha…!!!

SEKSING-SEKSI SI IYA Villania para sa kanyang 2011 calendar para sa isang brand ng alak. Pero inamin niyang hindi pa rin niya kayang mag-pose ng sexy para sa mga men’s magazine.

Ani Iya, “No, not yet. Because with the magazine like that, it’s difficult for me to stand for its content. For me it’s more, I’d be representing the content and that’s not something that I’m ready for. Here I’m representing a brand. Right now at this point, I think that everything coming my way is exciting ‘cause everything coming my way is something new to me and as an artist that is maturing, ‘yun ‘yung hinahanap ko.

“I’m looking forward to do something new so that I can discover new things about myself… without compromising, of course, my values.”

‘Yun na!

MAGSISIMULA NA MAMAYANG gabi ang pinakabago at pinakamaningning na palabas sa TV5, ang Star Confessions. Ang show na ito ay bunga ng masusing pagbabalangkas ng mga namumuno ng TV5 upang mabigyan nang pagkakataon ang sambayanan na makasilip sa mga katotohanan sa likod ng kamera sa buhay ng bawat artistang maglalahad ng kanilang kuwento. Walang itatago, lahat ikukuwento, paghihirap man o tagumpay sa likod ng karera ng isang artista ay matutunghayan.

Una na ngang sasabak at maglalahad ng kanyang kuwento ang sikat na sikat na stardancer ng WW.Girls ng Willing Willie na si April ‘Congratulations’ Gustillo. Isang malungkot na sulyap ang ating matutunghayan sa pilot episode ng show dahil ibinunyag ni April o mas kilala sa tawag na Congratulations na apat na buwan pa lamang pala siya ay pinaalagaan na siya ng kanyang ina sa kanyang tiyahin. Ilang taon ang lumipas na ang kanyang tiyahin ang kasama niya sa paglaki. Bumalik lamang siya sa piling ng kanyang nanay ng siya ay nasa grade five na.

Si Congrats ngayon ang tumatayong breadwinner ng kanilang pamilya kaya naman hindi nakitaan ng kapaguran si April na magtrabaho alang-alang sa kinabukasan ng kanyang pamilya sa Bacolod.

Sa pakikipag-usap namin kay Nanay Cristy Fermin, ang host ng show, sinabi nitong, “Papasukin natin ang pribadong mundo nang ating mga idolo, mga kuwentong malungkot at masaya, paghihirap at tagumpay, mga lihim at pagpupunyagi na ngayon lamang natin malalaman, lahat ilalahad sa Star Confessions.”

Naman!

Sure na ‘to

By Arniel Serato

loading...

2 thoughts on “Mas Dakota pa sa Booking: Gay Comedian, Muntik Nang Ayawan ng Natakot na Menchu!

Leave a Reply

Your email address will not be published.