Mary Jean Lastimosa, bagong Bb. Pilipinas-Universe 2014 Hot Topic

Photo credit: www.bbpilipinas.com

Photo credit: www.bbpilipinas.com

NAIUWI NI Mary Jean Lastimosa mula sa Cotabato ang korona bilang Miss Universe Philippines sa katatapos na Binibining Pilipinas pageant na ginanap sa Smart Araneta Coliseum kagabi, Marso 30, 2014.

Nanguna ang 26-anyos na North Cotabato beauty laban sa 39 na iba pang mga kalahok.
Nanalo rin sa nasabing kompetisyon ang iba pang mga bagong reyna ng Binibining Pilipinas.
Kinoronahan bilang Binibining Pilipinas International si Mary Anne Guidotti, 24, mula sa Taguig City, at kasalukuyang technical assistant sa humanitarian organization na Community and Family Services International.
Nasungkit naman ni Kris Tiffany Janson ang titulong Binibining Pilipinas Intercontinental na unang beses pa lamang napagwagian.
Registerd nurse naman ang tinanghal na Binibining Pilipinas Tourism na si Parul Shah, habang tubong-Albay ang bagong Binibining Pilipinas Supranational na si Yvethe Marie Santiago.
Itinanghal naman na first runner-up si Laura Lehmann at second runner-up si Nannah Sison.
Narito ang kabuuang listahan ng iba special awards na iginawad sa mga kandidata:
Best in Long Gown: Mary Anne Bianca Guidotti
Best in Swimsuit: Mary Jean Lastimosa
Best in Talent: Gabrielle Tilokani
Best in National Costume: Kris Janson
Miss Friendship: Racquel Kabigting
Miss Photogenic: Kris Janson
Miss Philippine Airlines: Pia Wurtzback
Miss Cream Silk: Yvethe Marie Santiago
She’s So Jag Award: Pia Wurtzback
Binibining Avon: Yvethe Marie Santiago
Manila Bulletin’s Reader’s Choice Award: Ladylyn Riva.

Tumayo namang host sa grand coronation night sina Anne Curtis, Xian Lim, Shamcey Supsup, Janine Tugonon, at Venus Raj.

loading...

2 thoughts on “Mary Jean Lastimosa, bagong Bb. Pilipinas-Universe 2014 Hot Topic

  1. kya nga bb.pilipinas. dpat mrunong kang mgsalita ng salitang pilipino. dpat hndi isinasali yang mga hndi mrunong ng khit anong dialect man lng ntn. dun cla sumali sa bansang pnanggaligan nla

  2. dapat si pia ang nanalo eh, kasi si angara parang engot magtanong, tagalog ba naman ang itinanong ng matandang ‘yon…maiintindihan kaya yon nung ibang judge na hindi marunong ng salitang tagalog like yung si Ms. Spain hakhak! esep-esep rin pag may time hakhak!

Leave a Reply

Your email address will not be published.