Marvin Agustin, no comment on Annabelle Rama issue

Mere or Less
by Nitz Miralles

“WEDDING MOVIE” ANG tawag ni Mother Lily sa pelikula nina Judy Ann Santos at Ogie Alcasid sa Regal Entertainment na OMG! o Oh My Girl! dahil itataon ang showing nito sa kasal ng actress kay Ryan Agoncillo. Hindi pa nga lang alam ang exact date ng kasal ng dalawa dahil kahit ang actress, hindi masabi.

Nakiusap nga itong ‘wag muna siyang kulitin sa petsa ng kasal nila ni Ryan dahil wala siyang masasabi. Hindi sa ipinagdadamot niya, pero talaga raw wala pa silang desisyon ng fiancé kung kailan sila haharap sa dambana.

Sa naunang nasulat na hindi dadalo si Alfie Lorenzo sa kanyang kasal, masayang ibinalita ni Judy Ann na a-attend na ang kanyang manager. Sa tsismis namang nagtatampo sa kanya ang ina, nag-usap na sila at ayos na ang konting tampo nito sa kanila ni Ryan.

Hindi sinagot ni Judy Ann kung totoong sagot ni Sharon Cuneta ang catering sa wedding nila ni Ryan at nagpasalamat na sasagutin nina Boy Abunda at Kris Aquino ang flowers. Ang ibang detalye sa kasal ay ayaw muna nitong pag-usapan.

Sa March 25 pa ang first day shooting ng OMG!, pero may poster at teaser na ito at may theme song na rin courtesy ng producer na si Roselle Monteverde-Teo.

PILOT THIS MONDAY ng All About Eve, ang pinakabagong soap ng GMA-7 na labanan ng acting ang mangyayari dahil sa magagaling na artistang kasama sa cast. Siguradong aabangan ang salpukan nina Iza Calzado at Sunshine Dizon, Jean Garcia at Eula Valdez, Eric Quizon at Mark Anthony Fernandez, Celia Rodriguez at Richard Gomez at ang iba pang cast.
Sa Impostora huling nagkasama sina Iza at Sunshine, ang kaibahan ayon kay Iza, Sunshine
versus Sunshine ‘yun, at dito lang sa AAE talaga sila maglalaban. Sa trailer ng soap, ipinakita ang kanilang sagutan at umabot sa pananampal niya sa kasama.

Kontrabida rito si Sunshine at tiniyak na kamumuhian siya ng viewers lalo na ng fans ni Iza dahil aapihin at pahihirapan niya ito. Isa pang interesting detail ng soap, gaganap na mag-ina sina Sunshine at Jean na kung biruin ng press ay ang ex at present girlfriend ni Jojo Manlongat na ex din ni Angelu de Leon.

Sabi naman ni Jean, hindi isyu sa kanila ni Sunshine si Jojo dahil friend lang niya ang lalaki at si Sunshine nama’y deadma na sa ex. Hindi nga nito alam kung bakit itinatanong pa ito sa kanya. Pero, ano kaya ang mangyayari halimbawang dumalaw si Jojo kay Jean sa taping at nagkataong naru’n din si Sunshine?

PURO “NO COMMENT” ang sagot ni Marvin Agustin sa pagkadawit niya sa word war nina SVP for Entertainment ng GMA-7 na si Wilma Galvante at Annabelle Rama. Ayaw niyang makialam kahit sinasabing siya ang rason nang away ng dalawa dahil pinapaboran daw siya ni Ma’am Wilma, kaya marami siyang shows sa network.

Pinull-out ni Annabelle si JC de Vera sa SRO Cinema Serye dahil mas bida raw si Marvin kesa kay JC at may mga eksena pang siya ang magdidirek. Hindi sinagot ng actor ang isyung magdidirek din siya sa SRO Cinema Serye, pero ‘yung sa role, maganda raw ang role nilang lahat at stepdad pa nga ni JC ang ipo-portray niya.

To date, apat ang regular shows ni Marvin sa Ch. 7 dahil bukod sa SRO, napapanood din siya sa S.O.P., Dear Friend at Outrageous & Courageous.

“Enjoy lang ako sa trabaho at nagsisipag sa lahat ng trabahong ibigay sa akin. Hindi ako namimili, mapa-bida o kontrabida tinatanggap ko’t ang importante, may trabaho,” sabi nito.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.