Marvin Agustin, mahal pa rin si Pauleen Luna

BUKOD SA ANG Tanging Ina Mo (Last Na ‘To) na ginawa ni Marvin Agustin sa Star Cinema, may inialok din palang soap opera sa kanya ang ABS-CBN. Ang kaso, nang ipagpaalam siya ng Dos sa GMA-7, kung puwede, hindi pinayagan ang aktor. May exclusive contract pa nga kasi siya sa Kapuso Network.

Hindi naman daw ikinadismaya ni Marvin kung hindi man siya pinayagan ng Siyete na lumabas sa seryeng ino-offer sa kanya ng Channel 2. May pinagkakabalahan din naman daw siya sa GMA, ang Beauty Queen kung saan pangunahing tampok si Iza Calzado. At markado naman daw ang kanyang role sa nasabing serye.

“Masaya naman ako sa paisa-isang project lang muna,” aniya. “Of course masaya kung madadagdagan ng iba pang projects. Pero kung iyon lang muna, happy na rin ako.”

Kung sa bagay, busy rin kasi siya ngayon sa pag-aasikaso ng kanyang chain of Japanese restaurants. Sampu na ito bale at may bubuksan na naman siyang bago sa The Forth this February.

Dating waiter si Marvin sa Tia Maria’s bago nag-artista. Na-develop daw nang husto ang passion niya pagdating sa restaurant business kaya ito ang pinasok niyang alternatibo bukod sa kanyang showbiz career.

Masaya rin daw si Marvin sa pagiging ama ng kanyang dalawang kambal. Hindi man nagkatuluyan, magkatuwang daw sila ng ina ng mga ito sa pag-aaruga sa dalawang bata.

“Nasa akin ng one whole week, tapos sa Mom nila sila magwi-week-end. And happy naman sila sa set-up. Medyo alam na rin nila siguro ang sitwasyon dahil bihira kaming magkitang apat ng Mom nila, dahil busy kami pareho.

“So far, wala naman silang nagiging tanong sa amin about the situation. Except ‘yong minsan they asked me na, ‘can daddy build a house next to our house?’ Kasi my house is in Quezon City. ‘Yong house naman na tinitirahan nila is in Alabang. Eh, alam nilang nagbi-build and sell din ako ng bahay. Kaya since gumagawa ako ng bahay, bakit hindi raw ako gumawa ng bahay katabi ng bahay nila. ‘Yong family kasi ng Mom nila is south-based dahil may business sila roon.”

Malabo na raw talagang magkabalikan sila ng ina ng kanyang twins. Magkaibigan na lang daw ang turingan nila sa ngayon. Hindi pa ba siya naghahanap ng magi-ging partner niya in life?

“Hindi naman kailangang maghanap. Nandiyan lang sila. Pero ‘yong getting serious and settling down, iyon ang medyo hindi pa ako handa.”

Kailan ba ‘yong pinakahuling relasyon niya?

“Na alam n’yo?” natawang biro ni Marvin. “Ah… si Pauleen (Luna). ‘Yong hindi n’yo alam? Bakit ko naman ipapaalam sa inyo?” natawang muli ang aktor.

“Basta may mga naging karelasyon akong non-showbiz pero hindi pa ako handa talaga to settle down. And hindi ko rin masabi kung mas gusto ko bang makatuluyan ay non-showbiz o artista ring tulad ko. It’s just that ‘yong mga nakikilala ko, mas maraming non-showbiz.”

Pareho silang single ngayon ni Pauleen. Hindi kaya siya magkainteres na balikan ang aktres?

“Single ba ngayon si Pauleen? Hindi kasi kami nagkakausap, eh. And… hindi naman ‘yan parang lunch o dinner na nai-schedule.

“Pero… mahal ko naman talaga ‘yon (si Pauleen). Kaibigan ko ‘yon. Naging kami dati so definitely, the love is there.”

Ganyan?

Ano kaya ang masasabi ni Pauleen?

MATAPOS MAPANOOD NA na-kipag-showdown sa Willing Willie si Joy Cancio sa kagaya niyang beteranang choreographer na si Ana Feliciano, may tsismis na nagpaparamdam daw ito sa TV 5 para sa posibilidad na paglipat ng mina-manage na SexBomb Girls sa Kapatid Network.

Sakaling totoo ito, wala naman kaming nakikitang masama. Bi-lang manager, natural na maging concern lang si Joy sa kapakanan ng kanyang mga alaga. Kumbaga, kung saan mas may magandang opportunity para sa kanyang mga talents, iyon ang iwu-work out niya.

May mga plano pa ba ang GMA para sa SexBomb? Parang wala na. Kaya kung magkakaroon ng offer ang TV5 para sa grupo, why not nga naman, ‘di ba?

Go!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.