Marvin Agustin, ‘di naiinggit sa pagbibida ni Dominic Ochoa

Marvin Agustin
Marvin Agustin

Wala raw inggit na nararamdaman bagkus ay labis-labis na kasiyahan ang nararamdaman ni Marvin Agustin para sa kanyang kaibigang si Dominic Ochoa na binigyan ng pagkakataon ng ABS-CBN na magbida sa newest Kapamilya serye na “My Super D” na magsisimula nang mapanood ngayong April 18 bago mag-TV Patrol.
Dagdag pa ni Marvin Agustin na deserving naman daw mabigyan ng ganu’ng klaseng pagkakataon si Dominic, lalo na’t bukod sa husay nitong umarte ay professional ito pagdating sa trabaho. Dagdag pa ang pagiging homegrown Kapamilya talent nito.
Bukod kay Marvin, makasasama ni Dominic Ochoa sa “My Super D” sina Marco Masa, Sylvia Sanchez, Ronaldo Valdez, Jason Francisco, Jayson Gainza, Marina Benipayo, Atoy Co, Myrtle Sarrosa, Jef Gaitan, Louie Domingo, at Bong Regala. May espesyal na partisipasyon din sina Richard Yap, Lara Quigaman, at Ronnie Lazaro. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Frasco Mortiz at Lino Cayetano at mula sa panulat ni Shugo Praico.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articlePaulo Angeles, sunud-sunod ang trabaho sa Dos
Next articleLouise delos Reyes, palaban sa bashers at haters sa social media

No posts to display