Martin Nievera, will go to prison after singing National Anthem?

OLA CHIKA! HALOS lahat ng Pilipino sa buong mundo ay nagsasaya sa pagkapanalo ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa laban niya sa taga-Inglatera na si Ricky Hatton. Sulit nga ang halos tatlong buwang pag-eensayo ni Pacquiao bilang paghahanda sa kanilang laban. Hindi pa nga tapos ang second round, tinapos na ni Pacquiao ang kanilang bakbakan.

Habang papunta pa lang ako sa aking programa sa radyo sa DZRH, hindi pa nag-uumpisa ang laban. Ngunit nang papaliko na ang sasakyan ko sa parking area, naloka ang beauty ko nang nanalo na si Pacquiao, at halos ang mga kasabayan ko

ay nagmamadali upang mapanood ang laban. Ngunit pagpasok pa lang nila sa Aliw Theater, tapos na! Sayang ang kanilang ibinayad na kulang-kulang sa P500.

Dahil bonggacious ang laban ni Pacquiao kay Hatton, hindi pa rin nawawala ang pustahan, na akala mo, manok na pinagkakaperahan sa sabungan. May ganu’n?! Sa pagkakaalam ko, malaki ang pustahan ‘pag napatumba ni Manny si Hatton nang hindi lalagpas sa 10th round. Dahil ‘pag napabagsak ni Manny ang kalaban matapos ang 10th round, kahit panalo si Pacquiao, talo pa rin ang pumusta. Nakakaloka! May ganu’ng pustahan?!

Sa 1st round pa nga lang, dalawang beses nang napabagsak ni Pacquiao si Hatton, at hindi na nga umabot ang huli sa 3rd round, umangal na ito’t hirap nang tumayo. Nakalerke talaga!

Sa labang ito, tila hindi papahuli ang mga ambisyosong nasa likod ni Manny, na ‘yung iba, may lakas pa ng loob na magbitbit ng bandila, na kapansin-pansin. At kung hindi ako nagkakamali, mayor ito.

Hindi nga rin nagpahuli ang ating mga pulitiko na kabila ng krisis na hinaharap ng bansa, nakuha pa nilang magpakasaya, kaysa magpasa ng batas at hanapan ng solusyon ang problema ng mga Pilipino. Hay, buhay nga naman!

Hindi rin pahuhuli ang mga bigating bituin, hindi lang sa ating bansa kundi maging Hollywood stars, nakinood din. At ‘yung iba, nagpakuha pa ng larawan sa magaling na boksingero ng ating bansa.

Hindi na nga basta-basta si Pacquiao, dahil kilala na siya buong mundo. Sa laki ng perang maiuuwi niya, tila hirap na siyang bilangin ang mga ito. May ganu’n?!

SA LABAN NI Pacquiao at Hatton, hindi maiiwasan ang intriga lalo na kay Matrin Nievera na napiling kumanta. Marami ang hindi nagustuhan ang pagkanta ni Martin sa Pambansang Awit natin.

Kapansin-pansing bukod sa siya ang unang lalaki na kumanta sa laban ni Pacquiao, siya lang din ang mga may background o tugtog, instead na a capella. Sa simula, ay slow ang beat ng kanta at nang nasa kalagitnaan na, bumilis na at ibinirit pa niya ang huli. Nakakaloka talaga!

Dahil marching ang tamang beat ng Pambansan Awit sa aking pagkakaalam, kaya hindi maiiwasang kutyain ang pag-awit ni Martin. I’m sure matagal ding pinagpraktisan ito ng Concert King, at pinag-aralan din niya ang istilo ng kanyang pag-awit ng Lupang Hinirang.

Sa opinyon ko lang, hindi kaya madaling kumanta sa gitna ng ring, habang nanonood at nakatingin sa ‘yo ang buong mundo. Pero bungad pa ng aking ka-chika, tila parang nag-lip sync ang concert king, dahil medyo nahuhuli ang buka ng bibig nito. Hmm… no comment ako. Baka sa reception lang ng TV, hahaha!

Ayon pa sa mga eksperto ng ating Pambansang Awit, kailangang magmulta ang concert king, dahila mali ang pagkakakanta nito, at hindi angkop sa tamang tono na nakasaad sa ating Saligang Batas. P20,000 nga raw ang multa, huh! Or else, makukulong siya. May ganu’n?!

Hindi pa nga tapos ang hidwaan nila ni Jomari Yllana, another intriga na naman ito para sa kanya. Naku, ano kaya ang sey ni Jomari? ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

13 thoughts on “Martin Nievera, will go to prison after singing National Anthem?

  1. okay lang naman ang pagkanta ni martin ah.kahit never ko syang nagustahan because hes too oa..okay lang sa akin yung pagkanta nya..natulala nga ako eh at speechless lhat ng tao..its not a big deal..di nga pinag uusapan ng mga americans at britons..bayaan na natin..

  2. i believe dapat parusahan ang di kumakanta ng maayos sa ating Pambansang Awit. Kabastusan un para saken. Sana wag ibahin ang pagkanta nito dhel simbolo ng bansa natin un e. Irespeto natin kung ano at pano xa kinanta.

    I have nothing against Mr. Martin Nievera kasi maganda talaga boses nya pero sana lang pg Lupang Hinirang ang kakantahin sana sundin ang tamang tono.

    Di lamang si Martin kundi lahat ng kakanta sa mga susunod na laban o kung anupaman.

    P.S.
    Tsaka dapat ung nagkamaling kumanta dati… Si Christian Bautista ata un. Dapat ding parusahan or whatever un. Mas nakakahiya kasi ung ginawa nya e.

  3. ang NHI lang kasi ang hindi napaguusapan kaya sila naman ang gumagawa ng ingay, get a life NHI.

  4. Ha ha ha.. kakatawa talaga itong mga nakaupo na ito. Nakakabwisit na. Ang daming dapat pagtuunan ng pansin eto ang pinalalaki ng husto. Gusot lang na makita at mapagusapan sila.

  5. kaloka!!!!!!!!makukulong wag naman para kumanta lang hindi naman pumatay o nagnakaw…..balato nyo na kay martin panalo naman si pacquiao yun ang importante…..

  6. Our leaders have nothing better to do. I admit, Martin’s version is not the best. However, this is not a reason to fine or send him to jail. Do we not have anything better to do? Charice Pempengco sang the Star Spangled Banner and she was given the option to modify it according to her style. People loved it. Every nation, every country must have sang their national anthem in different ways. So far, no one was fined or sent to jail because of this. If the Philippines chose to penalize Martin, then we will be the first to do so. I CAN SEE IT NOW. WE WILL BE THE LAUGHING STOCK OF THE WHOLE WORLD. THANKS TO OUR LEADERS AND CORRUPT POLITICIANS. If we want to clean our act, start with them first. Nakakatawa kayo.

  7. before you prosecute Martin, dapat magresearch muna ung iba jan… tama naman ung sabi ng isang Congresswoman… kung kakasuhan nila si Martin, kasuhan rin nila ung ibang mga kumanta dati na mali mali ang tono at nagkulang sa lyrics… Get a life people! There are more important things to do in than to focus on this article…

  8. even may pagkamaldito c martin…i think he sing it very good in his own rendition….bkt kailngng plakihin p yan.
    mas mdaming kailngang pagtuunan ng pansin noh….mga pa2nsin lng yan

  9. Martin did his part very well!!!! Actually, ung version nya ng national anthem ang pinakamaganda na narinig ko. Mas lalo kong na feel ang pagka Pilipino! I am very proud of you Martin!!!!

  10. Lupang Hinirang is a national anthem. according to law, there are specifics that should be followed as to its beat, phrasing, time. nothing more nothing less. it should not be corrupted at any time. it seems that there are morons who are not aware of this and that explains why.

  11. he sang it very well!! daming problema ng pilipinas para sya ang paginitan. ikulong nyo muna mga corrupt!!!

  12. I am with Martin’s singing.. my gosh leave the guy alone ang ganda nga ng song kahit hubby ko na Canadian said ok na ok kc upbeat and hindi pang burol ..

  13. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. II Issue #60

Leave a Reply

Your email address will not be published.