Martin Nievera, lilipat na rin sa singko?!

NANG PUMIRMA NG kontrata si Shamcey Supsup sa ABS-CBN, may naka-line-up agad na show na ibibigay sa kanya ang Kapamilya Network. Maugong ang balita na ang Ms. Universe 3rd runner-up ang kapalit ni Mariel Rodriguez bilang co-host ni Toni Gonzaga sa pagbubukas ng Pinoy Big Brother. Malaki ang paniniwala ng mga bigwigs ng Dos na lalong tataas ang rating ng nasabing reality show sa tulong ni Shamcey. Bukod sa taglay nitong karisma, matalino at magaling magsalita.

Ayon sa aming source, bonggacious nga raw ang offer ng Kapamilya Network kay Shamcey, kaya happy ito. Bukod sa PBB, may follow-up project ang dating beauty queen na ayaw munang ipa-banggit. May nagsa-sabing magiging co-host siya sa noontime show nina Randy Santiago, John Estrada at Rico Puno pagkatapos ng PBB. May tsika ring ipapasok siya sa The Buzz ni Boy Abunda.

 

SPEAKING OF MARIEL Rodriguez, puring-puri siya ni Cristy Fermin bi-lang co-host nina Shalani Soledad at Willie Revillame sa Wil Time Bigtime. “Bilib ako sa babaeng ‘yun, bukod sa maganda na, magaling pang maki-sama sa mga katrabaho niya sa show. Magaling mag-host, laging nasa highest level, bigay na bigay pero hindi nananapaw. Inaalalayan niya si Shalani, nakikiramdam,” papuring sabi ng TV host-columnist.

Pinabulaanan ni Cristy ang balita na pitong katao raw ang malubhang nasaktan na ngayon ay nasa ICU para lang makakuha ng ticket sa first anniversary ng Wil Time Bigtime na gaganapin sa Araneta Coliseum sa darating na Sabado. Kung saan-saang probinsiya pa nanggaling ang ating mga kababayan para lang magbakasakaling manalo sila ng house & lot na ipamimigay sa araw na ‘yun para sa mahihirap. “Pati nga sa “Obra ni Nanay”, madaling-araw pa lang, ang daming taong nasa labas at hinihintay ang pagdating ko para humihingi ng ticket,” say ni Cristy.

 

MAY TSIKANG LILIPAT na rin si Martin Nievera sa Kapatid Network. Ilang beses na kasing namataan ang Concert King sa bakuran ng TV5 ka-meeting ang mga big boss ng network. Kahit sobra ang pagmamahal ng singer sa Dos at tumatanaw ito ng utang na loob, kailangan din niyang mag-survive dahil wala namang show na ibinibigay sa kanya ang Kapamilya Network. Matagal na panahong naghintay, umasa na baka-sakaling mabigyan uli siya ng show, pero bigo ang Concert King.

Ilang beses na palang inoperan si Martin ng ibang network pero tumanggi ito. Tipong napagod na sa kahihintay ang magaling na singer kaya nagdesisyon na itong tanggapin ang offer ng Singko.

Ayon sa nagbalita, mas malaki raw ang talent fee at isang regular musical variety show ang gagawin ni Martin sa TV5 na itatapat sa ASAP every Sunday.

Sa ngayon, ayaw munang mag-comment ang Concert King tungkol sa issue. Ibig kayang sabihin, totoo ang tsika na mag-o-ober da bakod na rin si Martin Nievera? Mismo!

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

13 thoughts on “Martin Nievera, lilipat na rin sa singko?!

  1. Cristy Fermin, doble kara. Sa iyo na ang username ko. Lolit and Cristy went to the same school. The University of Harbat. They majoired in How to get rich by kissing asssssssssssssss.

  2. like duh!!! TV5 tatapatan ang ASAP??? minsan ang sobrang pag aambisyon e nakakatawa na lang.. gumising sa katotohanan guys.. inyong inyo na si Martin.. kaya nga wala nang show dahil…. wala na. hehehe

    hoy Cristy, makapuri ka kay Mariel kala mo publicist ka ng lahat ng show ng TV5… isa ka pa.. nakakatawa k lang..

  3. Si Cristy Fermin pag pinasukan mo ng pera ang bunganga nag iiba ang sinasabi. May show ba yan sya sa channel 5? Sayang ang binabayad dyan.

  4. Kahit lumipat yan si Martin sa channel 5 wala rin. Wala na syang career. Yan ang totoo! Nakakasawa panuorin puro pa-cute kahit 55 years old na. Dapat sa kanya sa channel 68, hahahahaha!!

  5. Kahit na ilipat nyo pa si Martin sa Smokey Mountain,o saan mang basurahan eh wala na talaga yang silbe! His time is up! wala na! ubos na! Ang yabang pa naman nya noon nuong dekada 90s ang show niyang MAD na talkshow na ubod na pagka Ingles animo’y imported! Hoy tagal mo na sa Pinas di mo ma maituwid yung TAGALOG mo? Grabe ka! Kaartehan!

  6. Hindi ku alam kung bilasa na ang scoop ng writer na ito o may bago siyang alam. Kasi, sa PBB, si Robi Domingo at ang anak ni Charo Santos- Concio ang nadagdag na hosts sa PBB. Co-host ni Toni ay si Bianca pa rin. Siguro si Shamcey ang kapalit ni Mariel sa HYY pero doubtful pa rin dahil HYY is a 6 day a week show. Gusto ni Shamcey na mag-concentrate sa chosen profession niya as an architect. Eddie Littlefield should do more research bago siya magsulat. Aabangan ko itong sinabi ng writer na ito at kung mali siya, pauulanan ko ng batikos. Ready ka na, Littledick?

  7. hahahaaha baklaganon talaga kapag sa amerika lumaki kasi sa pinas ka lumaki kahit anong english mo pinoy pa rin ang dating kuha mo?hanggang ngayon ndi mo pa naiintindihan punta ka sa state…

  8. AKALA MO NAMAN KUNG SINO ITONG BAKLANG PARLOR NA ITO, DI HAMAK NA MAS MAGANDA ANG BOSES NI MARTIN KAY GARY……..HOY, MAGHALO KA NA LANG NG PANGKULOT AT HUWAG MO NA PAKIALAMAN ANG MGA TUNAY NA ARTISTS…….HAHAHAHAHAHAHA

  9. WHO CARES???? AYOKO NAMAN SAU MARTIN EH, YUNG KASING SOBRANG KAARTEHAN MO SA PAGSASALITA NAKAKASAWA NA!!!! MINSAN TULOY NAGDUDUDA NA RIN AKO SAYO EH, PARA KA KASING BAKLA DIN KUNG MAGSALITA. HINDI KAYA KAURI KITA KAYA NAGHIWALAY KAYO NG DATI MONG DYOWA NA PARANG NALALAOS NA RIN????

  10. Well kung saan po kayo masaya Tito Martin susupoortahan naman po namin si Tito Gary sa paglipat nio eee.. Rooooooooooocks!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.