Martin Nievera, isinugod sa ospital

Kinumpirma kahapon ng project director na si Ronnie Henares na naka-confine ngayon sa Makati Medical Center (MMC) ang singer na si Martin Nievera matapos itong isugod kamakalawa ng gabi, ilang oras pagkatapos ng kanilang “As 1” concert ni Gary Valenciano.

Ayon kay Henares, pasado alas-11 ng gabi umano nang magreklamo si Nievera ng paninikip ng dibdib na halos hindi ito makahinga.

Bagama’t wala namang ipinakitang sintomas ang Concert King habang nagpi-perform, kapansin-pansin naman umano ang madalas nitong pag-inom ng tubig pagkatapos ng performance.

Nakaramdam umano ng pagkahilo si Nievera kung kaya’t hindi na rin itinuloy ang finale act nila ni Valenciano na medley ng bandang Earth, Wind and Fire.

Batay sa pinakahuling impormasyon, conscious naman si Nievera kung saan binabantayan ito ng kanyang mga anak na sina Robin at Ram.

Ni Benedict Abaygar, Jr.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.