Martin Nievera at Gary Valenciano, pagsasabugin

PINAG-ISA: SA DINAANANG matinding rivalry ng Concert King na si Martin Nievera at Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano when they were just starting, wala’ng maniniwala na noon pa man, eh, naging matalik ng magkaibigan ang dalawa!

Kumbaga, nauna lang ng ilang paligo si Martin kay Gary and since then,pinagsabong na ang dalawa sa mga shows hanggang sa tumuntong na sila sa mas malalaking entablado para sa kani-kanyang concerts. Hindi sila nagsasama sa iisang entablado. Nagtatapatan pa nga kung minsan.

Pero ngayon, ang matagal na hinintay ng kanilang mga taga-subaybay na kasabay na rin nilang nag-mature eh, matutupad na sa AS1 concert nila sa SM Mall of Asia Concert Grounds sa September 19.

Since walang problema sa billing, mas una si Martin, hindi naman dinisclose ng dalawa ang kanilang talent fee. Basta ang lahat daw ng magaganap sa kanila sa gabi’ng ‘yon, eh, ‘as one’.

Sila ang fine example ng artists na hindi na nga matitinag ng intriga. Kahit ano pa ang dumating sa kanila.

Bakit? Nang isilang ni Angeli (Pangilinan-Valenciano) ang panganay nila ni Gary na si Paolo, si Martin na ang kasama nila sa ospital at ito ang may dala ng camcorder at siya’ng kumukuha sa pag-iri ni Angeli. No amount of intrigue can beat that!

Need we say more?

By Pilar Mateo

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.