Martin-Gary poster, nanggaya? – Archie de Calma

MARAMI ang nagsasabing ginaya ng As 1 poster ang konsepto ng David Archuleta-David Cook showdown concert some months ago. Nangingiti lang si Jomari Yllana ‘pag may mga nagbabanggit ng ganito sa kanya. Si Jom ang top man behind Fearless Productions na siyang nag-produce kamakailan ng nabanggit na American Idol stars concert, na nasundan ng successful na ring Marie Digby show. Nagpaplano ang Fearless na makapag-produce kahit isa man lang concert bago matapos ang taon.

Anyway, hindi isyu kay Jom kahit ginagaya-gaya ang mga ideya niya. Noon pa, alam niyang kapag nag-set siya ng trend, marami ang magsisisunuran. Ang mahalaga, nag-uumpisa sa kumpanya niya ‘yun.

Nasabi pa ni Jom na maganda naman ang dating ng As 1 concert na magaganap sa SM Mall of Asia Concert Grounds sa September 19. Aniya, “Kung ordinary viewer ako, hindi ako maghe-hesitate to buy a ticket! First time kasing nagsama ang dalawa sa isang malaking major concert, at tiyak na maganda ang paghahanda para roon!”

Para kay Jom, balewala na sa kanya kung anuman ang namagitang rift sa kanila ni Martin dahil sa split-up nila ni Pops. Nagkapalitan sila ng mga hindi magagandang salita pero ayaw nang intindihin ni Jom ‘yun. Kung mag-meet man sila ni Martin, babatiin pa niya ito.

Pero, sa tanong namin kay Jom kung interesado pa siyang kunin si Martin for another concert pagkatapos ng successful reunion nila ni Pops sa Araneta Coliseum, sabi ni Jom, «Hindi na siguro. Nirerespeto ko lang ‘yung binitiwan niyang salita noon na ayaw na niyang makipagtrabaho sa grupo namin pagkatapos ng nangyari. Kaya ganoon na lang.”

‘Yun na!

Read other showbiz news today by Archie de Calma:

John Lloyd Cruz, threatened sa Bea-Sam team-up?

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.