Martin Escudero, todo-tangging nakarelasyon niya ang isang bakla!

NASA GERMANY pa rin ako kasama si Lorna Tolentino at naturukan na nga kami ng stem cell na sana umepek to sa akin, ha?

Hindi ko pa kasi gaanong naramdaman dahil sabi naman nila ilang araw pa ang hihintayin bago ko maramdaman ang pagbabago.

Naku, ‘day! Sana nga umepek talaga sa akin, or else ipare-refund ko ang binayad sa kanila, ‘no!

Ang gusto ko lang naman, mawala ‘yung mga sakit sakit ko, ‘no! Hindi ko naman hangad na bumata.

Muntikan na nga akong hindi naturukan dahil tumaas ang blood pressure ko. Kaya pinahintay muna, at pina-relax ako sandali, ayun okay na.

Maganda ang Villa Medica na tinigilan namin dahil parang nasa bundok ito na maganda nga siya. Puwede na nga akong dito na tumira kasi nakare-relax dito.

Kaya kung sakali, type kong magbakasyon uli rito kasama ang mga bading!

Babalik naman kami sa Linggo, kaya ikukuwento ko na sa inyo ang mga kaganapan dito.

Malamang marami na ang magsunuran sa amin na magpa-stem cell.

Mauuso na ito sa mga matured na madadatung siyempre, dahil may kamahalan siya, ‘day!

 

NAALIW AKO du’n sa transgender na guest sa Showbiz Central nu’ng nakaraang Linggo, dahil sa mga rebelasyon niya kung sino ang mga celebrities na naka-relasyon daw niya.

Si Jerrich Divinagracia itong transgender na nag-audition pala sa Protégé: The Biggest Artista Break. Inamin niyang transgender siya pero maganda siya at hindi halatang bading siya.

Nang in-interview nga ito sa Showbiz Central, sinabi niyang may mga nakarelasyon siyang isang castaway ng Survivor Philippines, na si Jace Flores pala ang tinutukoy niya. Hindi ko naman knows ‘yang si Jace, kaya ewan ko kung ano ang reaksyon niya diyan.

Meron din daw siyang naka-relasyon na isang PBA player pero hindi ko na inalam kung sino ito.

Ang curious ako ‘yung sinabi niyang winner sa Starstruck. Baka mamaya, alaga ko pang si Mark Herras, na hindi naman pala. Ang sabi daw niya si Martin Escudero ito na nasa TV5 na.

Nakatsikahan ito ng Startalk sa press conference ng 100 Most Beautiful Stars ng Yes! magazine at natawa raw siya sa kuwentong ‘yun.

Nakilala raw niya itong si Jerrich na hindi niya maalala kung saan sila nagkakilala, pero hindi daw niya nakarelasyon.

Sabi pa ni Martin, mangilan-ngilan lang naman daw ang nakarelasyon niya kaya siyempre tandang-tanda niya ito. Never daw naging sila nitong Jerrich kaya obvious na intriga lang daw ‘yun.

Kung ‘yun daw ang trip ng transgender na ‘yun na idamay siya sa intriga, wala raw siyang magagawa pero hindi raw talaga totoo ‘yun.

Ewan ko kung makapasok sa finalists itong Jerrich na ito, pero at least napansin na siya.

Pero ewan ko kung magka-career siya sa showbiz. I doubt!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

5 thoughts on “Martin Escudero, todo-tangging nakarelasyon niya ang isang bakla!

  1. NAKU PARA KASING PUMAPATOL SA BADING YANG MARTIN ESCUDERO… KAYA NGA BIGAY NA BIGAY YAN SUN SA PELIKULA NIYANG ZOMBADINGS… MALAYA SIYANG NAGLADLAD DUN HAHAHA!

  2. ang shobiz central na pabagsak na ang gus2 gumawa ng issue para kahit atapos na eh pagusapan  pa sila, ha ha ha

  3. obvious naman na gumagawa lang ng ingay ‘yung transgender para mapansin. ang problema, pulos starlet lang naman ang pilit niyang inili-link sa sarili niya… kumbga, walang staying power ang intriga, madaling mamatay at ‘yung transgender, madaling malilimutan

  4. Pingback: Martin Escudero, todo-tangging nakarelasyon niya ang isang bakla! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.