Martin Escudero, naging maingat na sa pakikipag-sex

Martin-Escudero Martin-EscuderoSIMULA NANG mapasakamay ang role bilang isang HIV positive sa inaabangang at tinututukang soap ng TV5 na Positive every Thursday at 9pm, mas marami raw natutunan ang mahusay na teen actor na si Martin Escudero tungkol sa sex.

Sa kanyang pinagbibidang soap daw nalaman ni Martin ang kahalagahan ng safe sex at kung papano ka ng magkakaroon ng sakit na HIV. Very honest nga ito sa pagsasabing mas naging maingat na siya pagdating sa pakikipag talik, dahil nga naman sa isang iglap ay maaari kang dapuan ng sakit na HIV, kapag ‘di mo kilala ang babaeng naka-one night stand mo.

Kahit nga raw ang mga kaibigan niya ay sinasabihan na rin niya na maging maingat sa pakikipag-sex at ibinabahagi niya ang kaalaman tungkol sa HIV. Sa dami raw kasi ng mga nakausap niya na HIV positive na may kanya-kanyang kuwento sa kung papaano sila dinapuan ng nasabing sakit, marami na siyang natutunan.

Dagdag pa ni Martin na mas maganda raw na i-practice ng lahat ang safe sex at mas maganda kung ang makakatalik mo ay iisang tao lang at hindi paiba-iba. Baka raw kasi isa sa marami mong nakatalik ang magbibigay sa ‘yo ng sakit.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.