Martin Escudero, may sikreto sa mahusay na pagganap sa gay role

Martin Escudero
Martin Escudero

“Hahaha! Baka nae-enjoy ko lang siyang masyado, feel ko!” Ito ang pahayag ni Martin Escudero sa katanungan na baka sa husay nito sa gay role ay matuluyan siyang maging bading sa mismong presscon ng pelikulang “That Thing Called Tanga Na”, na mapanonood sa August 10, 2016 hatid ng Regal Entertainment, mula sa direksiyon ni Joel Lamangan.
Dagdag pa ni Martin Escudero, “Kasi sa akin, bukod sa pagbabasa ko ng script, kasi sa aming lahat ako ‘yung may pinakamatagal na paghahanda, dahil nga sa costume at make-up.
“So, sa akin, ‘yung magic nag-uumpisa na kapag inaayusan na ako, eh. Kapag mine-make-up-an na ako, kapag nagpapandamit-babae na ako, at ‘pag inilalagay na ‘yung mahaba kong buhok.
“‘Yun na ‘yun eh, parang kinakain ako ng wig, sino ka? Hindi kita kilala (pabaklang pagsasalita ni Martin). Parang du’n na nag-uumpisa ‘yun. Hahaha!”
Makasasama ni Martin sa “That Thing Called Tanga Na” sina Billy Crawford, Eric Quizon, Kean Cipriano, Angeline Quinto, Jerald Napoles, Vangie Labalan, Ken Alfonso, atbp.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articlePaolo Ballesteros, patuloy ang pagsikat sa ibang bansa dahil sa make-up transformation
Next articleDirek Joel Lamangan, masaya sa casts ng kanyang bagong beki movie

No posts to display