Martin Escudero, laging may baong condom sa bag

Martin-EscuderoMALAKING EPEKTO kay Martin Escudero ang naging pepel niya sa show na Positive sa TV5. Naging very open na siya sa  lahat at dapat na maging disiplinado pagdating sa pakikipag-sex.
Alam n’yo bang palaging may condom na siyang baon sa kanyang bag kapag umaalis siya ng bahay. Just in case lang naman, hahaha!
Sa ngayon, loveless pa rin siya at still naghahanap ng babaeng kanyang mamahalin. Hindi pa rin ba niya makalimutan si Jennica Carcia?
“Alam ko darating din ang para sa akin,” sey niya.
Taga-showbiz o hindi ay okey lang naman daw kay Martin. Hindi naman siya na-trauma kay Jennica.
Mas pinagbubuti raw niya ngayon ang kanyang pag-arte dahil ito ang kanyang puhunan sa darating na mga mas challenging pang role.

GINULAT AT marami ang napahanga kay Arjo Atayde sa kanyang brilliant performance sa MMK last Saturday. Yes, opening salvo nga siya sa episode na may titulong “Dos Por Dos”. Isang bading na nag-alaga ng anim na anak ang kanyang role. Kaya after na mapanood siya ng madla ay marami na ang humanga sa kanya.

Yes, malayu-layo na nga ang tinatahak ng career ni Arjo. Kahit kasi anong role na ibigay sa kanya ay kayang-kaya niya. Hindi siya nag-overacting sa kanyang role na bakla. Tamang-tamang ang lahat.

Gusto ko ring i-congratulates ang direktor na si Direk Raz na parang naging movie ang said show.

Dahil diyan, patuloy ang suwerte sa isang Arjo. Aba, may teleserye na siya kasama si Alex Gonzaga  na may titulong Pure Love.

Sa husay ni Artjo sa aktingan ay kitang-kita namin na very proud ang kanyang nanay na si Sylvia Sanchez at si Papa Art Atayde. Pati na rin ang kanyang lolo’t lola na talagang tinutukan ang panonod ng MMK. Sabi ng kanyang Mamita Pilar, very proud siya sa kanilang apo na si Arjo.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.