Martin del Rosario, pumiyok sa gay issue

Martin-del-RosarioNASA GMA 7 na si Martin del Rosario na isa pa naman ‘yan sa mga paborito ko sa ABS-CBN 2. Nataypan ko ‘yan sa Minsan Lang Kita Iibigin dahil magaling naman talaga siyang umarte.

In fairness, nadagdagan ng mga magagaling na aktor ang GMA 7 dahil sa paglipat ni Martin. Kaya lang sinundan naman ito ng mga intrigang hindi mamatay-matay na isyung kabadingan.

Hindi na nagulat si Martin sa ganu’ng intriga dahil aware naman siya sa mga tsismis tungkol sa kanya.

Pero itong huli na may lumabas na litrato ng dalawang lalaking naghahalikan, pumiyok na si Martin dahil hindi raw talaga siya ‘yun.

Naglabas naman ang manager ni Martin na si Arnold Vegafria ng mga pruweba na hindi ang aktor ang nasa litrato kundi kamukha lang niya nu’ng naka-side view.

Kaya sinagot na ito ni Martin at nagpa-interview na siya sa Startalk. Ayaw na raw sana niyang patulan pa ito, kaya lang nakikita raw niyang apektado na ang pamilya niya, kaya nagsalita na ito.

Sabi ng young actor, “Ako kasi ‘yung type ng tao na ever since na nakaaano ng mga tsismis, intriga, talang ganu’n-ganu’n lang. Basta ako alam ko kung ano ang totoo, at kilala ko naman ang sarili ko, kaya okay lang ako.

“Pero once na nakikita ko na ‘yung family na affected na, na parang si Mama na imbes na magtrabho napi-pressure na siya sa mga comments ng mga tao, na si Martin ganito ganyan, siyempre pressure as a mom na parang ginulo ko ang buhay nila.”

Sabi pa ni Martin, wala naman daw siyang magagawa kung iyun ang iisipin ng mga tao, choice na raw nila ‘yun. Pero sana, bigyan naman daw siya ng konting respeto man lang.

Emote ni Martin, “Bago nila ako i-judge sana man lang meron man lang silang… meron lang silang proof na ba’t mo nasabi ‘yan.

“Parang gusto kong malaman saan nanggaling. Hindi ‘yung paniwalaan agad dahil merong taong nagsulat ng ganyan, pinaniwalaan agad.

“Buti na lang malakas ang loob ko. Imagine, kung mahina lang ako, parang nakaka-degrade ‘yung ganu’n, eh.”

Hindi na bago ang ganu’ng intriga. Kaya sabi nga ni Martin, sigurado naman daw siya sa sarili niya kaya wala na raw siyang kailangang patunayan pa. Dahil tiyak daw niyang lalaking-lalaki siya, ‘no!

Hindi kaya ang mga taga-kabila rin ang nagkalat n’yan kasi nilayasan na nga sila ni Martin, ‘di ba?

Hay, naku! Siguro pansinin muna nila ang nasa bakuran nila, bago nila pakialaman ang ibang tao, ‘di ba?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

11 thoughts on “Martin del Rosario, pumiyok sa gay issue

  1. HAY NAKU MARTINA HUWAG KA MAGHAHAMON NG PROOF DAHIL MARAMING MAY HAWAK NA PROOF ALAM MO YAN!

    KASALANAN MO RIN NAMAN BAKLITA KA WALA KANG KADISCREDISCRETION! KUNG IDEDENY MO ANG KABAKLAAN MO ABA KONTING INGAT NAMAN! DI BA ZUHER BAUTISTA??? PAGSABIHAN MO NGA YANG EX JOWA MO!!!!

  2. KapamilyaRocks, alamin mo muna ang TOTOONG KWENTO bago mo pagtanggol stasyon mo! ABS CBN should look into this. Sa likod ng glitz and glamour is a pile of shit. Good move Martin, KAPUSO KA NA.

  3. Siempre kelangan unahan ng tsismis ng mga taga-dos si martin para sirain siya dahil nga napahiya sila. First time ba kayo naligwak ng bagets na gusto niyong halayin? Tsk tsk … sakit sa dibdib ba? Ngayon na kapuso na siya, hahabulin niyo pa rin ng paninira? Pagtiyagaan niyo na lang ang mga andyan na nagagamit niyo! harharhar!

  4. Let this be said and once and for all revealed — kaya sa abs pa lang may gay issue na kasi abs din ang nagsimula nung andun pa si martin! Ano masasabi ng mga gay executives ng abs na dumiga sa kanya at naligwak ni Martin? Tama ba Eric John Salut at Deo Edrinal? Nakahanap ba kayo ng katapat kaya nagkukumahog kayo sa paninira? Yan ang mega scoop Manay Lolit! Abangan ang susunod na paninira ng Kapamilya.

  5. Hoy ka din KapamilyaRocks!! Kung ALAM MO lang ang mga kababuyan dyan sa istasyong pinagtatanggol mo! Yang istasyong yan din ang nanira kay Martin nung nanduon pa siya dahil hindi niya pinatulan ni ISA sa mga buwitre dun!!! Buti nalang nakalayas na siya sa impierno!!! TSE!!!

  6. Hoy Lolit, nasa Dos pa si Martin ay may ganyang issue ng lumalabas, kaya wag mong pagbibintangan na Kapamilya ang nagkakalat na bakla sya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.