Martin del Rosario & Denise Laurel: Let a Colorful Love Story Begin!

By Madam

MARTIN DEL ROSARIO

Real Name: Martin Miguel Mangay del Rosario

Birth Date: November 25, 1992

Zodiac Sign: Sagittarius

Symbol: The Archer

Ruling Planet: Jupiter

Quality: Mutable

Element: Fire

Basic Trait: I Perceive

Closest Metal: Tin

Lucky Day: Thursday

Lucky Colors: Beige, Bronze, Blue, Indigo, Purple, Red and Violet

 

DENISE LAUREL

Real Name: Denise Maria Sanz Laurel

Birthdate: September 30, 1987

Zodiac Sign: Libra

Symbol: The Balance

Ruling Planet: Venus

Quality: Cardinal

Element: Air

Basic Trait: I Balance

Closest Metal: Copper

Lucky Day: Friday

 

PANIBAGONG YUGTO na naman ang Precious Heart Romances ng ABS-CBN. Sa katunayan nga, inaasahan namin na marami na naman ang maiintriga sa Pintada, na pinagbibidahan nina Martin del Rosario at Denise Laurel. Tungkol kasi sa isang guro at estudyante na nagka-inlaban ang mga karakter na kanilang gagampanan dito. Tungkol na pala sa romansa ang itinuturo ngayon sa eskuwelahan, ha? Tsarot lang, hihi.

Kahit May-December love affair ang tema ng Pintada, hindi naman talaga magkalayo ang agwat ng edad nina Martin at Denise. Napanood na namin nu’ng una ang trailer ng bagong pambato ng PHR at in fairness, nag-uumapaw sa hot chemistry ang namamagitan sa dalawa, huh! Offscreen kaya ay pasado sa love meter ang dalawa?

Dahil sa pagkakapareho nila sa ilang personality traits, magkakasundo ang Sagittarius at Libra. Gustung-gusto nilang matuto sa samu’t saring bagay at importante rin sa kanila ang kalayaang gawin ang nais nilang gawin. Mas balanse nga lang ang Libra sa pag-assess sa ano ang dapat gawin, samantalang may pagka-impulsive naman sa kanyang mga desisyon ang Sagittarius kaya madalas itong mapahamak. Minsan pa nga, nadadamay ang ka-partner dahil sa padalus-dalos na aksyon.

Ang zodiac match sa pagitan ng dalawa ay malakas lalo na pagdating sa pag-ibig, tagumpay at kaligayahan. Requirement ng Libra ang intimacy sa isang relasyon, pero hindi ito ikakasakal ng Sagittarius. Ang kanilang social life ay kasing sizzling ng kanilang sex life at madalas silang magkakaroon ng private moments. Romansa, at hindi pananakal ang peg ng kanilang pagsasama.

Ok kung sa ok ang samahang ito, pero pareho silang magdadalawang-isip sa oras na pumasok ang salitang ‘commitment’ sa usapan. Kapag nagawan ng paraan na willing ang parehong partido na mag-take risk, it will surely result to a colorful relationship.

There you have it, ladies and gentlemen! It seems like Martin and Denise can paint the town red with their love for each other just in case. Huwag nang magtaka pag nagkataon!

 

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

One thought on “Martin del Rosario & Denise Laurel: Let a Colorful Love Story Begin!

Leave a Reply

Your email address will not be published.