Martin and Jomari, head-to-head at Goma Cup

NAGDAGSAAN NA RAW ngayon ang mga artista sa Boracay para sumali sa Goma Cup The Reunion ni Richard Gomez.

Nu’ng nakaraang 2002 pa ang last na Goma Cup kaya malaking event ito ngayon, dahil pinaghandaan naman talaga nang husto ni Goma at ni Marilen Nuñez ng Len Plus.

Nandun ang Startalk crew namin para makunan ang lahat na kaganapan doon, kaya abangan n’yo ‘yan sa Startalk bukas.
Ang isa sa raw sa maagang dumating doon ay si Martin Nievera na excited nang maglaro ng golf.

Dapat nga ay sasali rin doon si Pops Fernandez, pero mukhang hindi na matutuloy dahil may show pala ito sa Eastwood ngayong Biyernes.
Ang hindi lang natin sure kung darating din doon si Jomari Yllana, dahil na-pack-up yata ang taping ng Zorro. Kung matutuloy si Jomari, bonggang-bongga ang eksena roon ‘pag nagkita sila ni Martin.

Sagot nga raw ni Martin sa mga reporter na nag-interview sa kanya roon tungkol sa bangayan nila ni Jomari, “Wala naman kaming isyu. Hindi naman kami ang nag-break!”

Kinumpirma pala ni Martin na siya raw ang kakanta ng ating Pambansang Awit sa darating na laban nina Pacquiao at Hatton. Type rin pala ni Lea Salonga na kumanta sa laban na ‘yun pero kay Martin ibinigay kaya natutuwa naman siya.

SI GOMA NAMAN na aligaga sa Goma Cup niya, magbabakasyon din daw sa Amerika pagkatapos nito kasama siyempre si Lucy Torres at ang anak nilang si Juliana.

Talagang pursigido sila ngayon na masundan si Juliana kaya kung hindi raw sila makabuo sa Boracay, sana successful daw kapag magbakasyon sila sa Amerika.

Balak ng mag-asawa na manood ng laban nina Pacquiao at Hatton sa Las Vegas at magbabakasyon din daw sila ng ilang linggo sa Los Angeles. Doon na rin daw nila isi-celebrate ang kanilang 11th wedding anniversary.

Say ni Goma, kung hindi pa sila makakabuo roon, pinag-iisipan na raw nila ni Lucy ang magpa-artificial insemination dahil gusto naman daw nilang magkaroon na ng kapatid si Juliana.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.