MART ESCUDERO, SWAK NA SWAK SA ZOMBADINGS!

Matagal-tagal ding ‘di naging visible sa Kapuso network ang Starstruck IV graduate na si Mart Escudero. Akala pa nga ng iba ay huminto na ito sa pag-aartista nang mag-break sila ni Jennica Garcia. Sa indie film naman ngayon bibida ang binata at bongga ang kanyang comeback movie, huh?! Siya lang naman ang bida sa Zombadings (Patayin sa Shokot si Remington) na nakatakdang ipalabas sa Marso. Trailer pa lang ay talagang nakakatuwa na ito at ngayon pa lang ay marami na ang bilib na kaya naman pala ni Mart na isantabi ang kanyang ‘hunk’ image into a ‘pa-mhin’. Si Jade Castro (Endo, My Big Love) ang direktor ng nasabing gay/horror/comedy film. Winnur!

CARLA HUMPHRIES, NAGPAKITA NA RIN NG KATAWAN

Palaban na rin sa pagpapasexy ang dating Kapamilya teenstar turned sexy actress ng TV5 na si Carla Humphries. Siya kasi ang napiling cover girl ng FHM Philippines para sa buwan ng Enero.

Matagal-tagal na ring nililigawan ng iba’t ibang babasahing panlalaki ang mestizang aktres, ngunit ngayon lang ito napapayag. Matagal ding nagpaka-good girl si Carla bago ito nagdesisyong makipagsabayan sa iba at nakahanap na nga ng bagong pamilya sa TV5. Kabi-kabila ang raket ngayon ng dalaga, na nasa pangangalaga ni Annabelle Rama. Sexy movie na kaya ang susunod?

TAMBALANG KEAN CIPRIANO AT ALEX GONZAGA, BUBUWAGIN NA

Last taping day na kamakalawa ng teen-oriented show na BFGF ng TV5, na pinagbibidahan nina Kean Cipriano at Alex Gonzaga. Ilang buwan ding tinangkilik ng mga Kapatid ang nasabing programa. Isang sugal sa nasabing network ang gawing leading man si Kean, na bokalista ng Callalily. Pansamantala munang ipapares si Alex Gonzaga kay Alwyn Uytingco sa kanyang first drama serye at si Kean Cipriano naman ay nakasabak pa rin sa isang gag show. Request ng fans nilang dalawa na sana’y sugalan din sila ng isang movie producer para sa isang romance-comedy flick. Puwede? Puwede!

LOUISE DELOS REYES, BIDA SA ALAKDANA

Isa na namang bagong babaeng teen star ang nakatakdang pasikatin ng Kapuso network. Si Louise delos Reyes, isa sa mga cast members ng Reel Hearts presents Tween Hearts ang bida sa bagong afternoon series na Alakdana. Makakasama ng dalaga sina Paolo Avelino, Richie Paul Gutierrez at Alden Richards. Marami ang nagsasabing may potensiyal ang student/actress na tumagal sa showbiz dahil sa maamo nitong mukha at may ibubuga rin naman sa pag-arte. Maliban kay Barbie Forteza, si Louise pa lang ang magbibida sa kanyang sariling TV show.


Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

ShowTwitz

About the Author

has written 67 stories on this site.

loading...

One thought on “MART ESCUDERO, SWAK NA SWAK SA ZOMBADINGS!

Leave a Reply

Your email address will not be published.