Parazzi Chikka: Mart Escudero at Jennica Garcia, nagkabalikan?!

How true kaya ang chikka na nagkabalikan na ang dating magkaloveteam na sina Mart Escudero at Jennica Garcia?

Naispatan ang dalawa sa birthday party ni Marian Rivera. Ayon sa mga taong present sa nasabing pagtitipon, super sweet daw ang dalawa. Syempre, hindi muna kami naniwala pero dahil sa mga nakunang nakaw na sandali ng ating kamerang gala ay napaisip kami ng sobra. Naayos na kaya ng dalawa ang gusot sa kanilang naging relasyon? Napabalita noon na third party ang sanhi ng kanilang break-up, pero pareho nilang idinenay yun. Huling napanood sina Jennica at Mart sa Gagambino. Si Jennica ang adik na kalabtim ni Dennis Trillo sa Adik Sayo samantalang si Mart Escudero ay katambal ni Ryza Cenon sa Rosalinda.

By Mica Rodriguez, Photos by Luz Candaba

Click to enlarge.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.