Mart Escudero at Jennica Garcia, madalas magkulong sa van? – Alex Brosas

Nagkabalikan na pala talaga sina Mart Escudero at Jennica Garcia.

This time, they’re proving that love is sweeter the second time around. Palagi kasing magkadikit ang dalawa at talaga namang inseperable ang kanilang drama. Kung nasaan ang isa, nakatitiyak kayong naroon din ang isa. In short, para silang kambal, kambal sa uma. Joke lang.

Anyway, very happy ang dalawa dahil magkasama sila sa isang horror movie na pang-film festival. Siyempre, sila pa rin ang magka-loveteam sa pelikulang kanilang ginagawa ngayon.

Ang obserbasyon ng marami, masyadong malambing sa isa’t isa sina Jennica at Mart. Kahit sa harap ng ibang taong nasa set, wala raw silang pakialam sa pagpapakita ng kanilang sweetness. Cute namang tingnan ang dalawa dahil bagets pa nga naman at obvious na mahal na mahal nila ang isa’t isa.

Kapag nga raw lunch or dinner break , sabay na kumakain ang dalawa.

Ang isa pang obserbasyon ng marami na kasama nila sa set ng movie, tila pareho ng bisyo ang dalawa – mahilig silang sabay na magpahinga.

Ang tsika sa amin, sa van daw ni Jennica nagpapalipas ng oras si Mart. Magkasama raw ang dalawa na nagkukulong sa van kapag wala silang take at gigisingin na lamang daw sila kapag kukunan na sila sa eksena nila.

Totoo bang madalas magkulong sa van sina Jennica at Mart? Pakisagot nga!

HINDI NAMAN KAILANGAN pero talagang nag-sorry si Alex Gonzaga sa fans nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Naloka kami kasi ang feeling namin, wala namang nasabing masama ang dalaga sa tambalan nina Kim at Gerald para mag-apology.

“Sorry kung na-offend kayo sa sinabi ko. Sana , next time, manood pa rin kayo ng Juicy. Next time, makikita n’yo, ipagtatanggol ko si Kim. Hindi lang siguro nakikita, pero tina-try ko namang maging fair sa lahat ng napag-uusapan namin,” sabi ni Alex sa launching niya at ng Ate niyang si Toni Gonzaga bilang endorsers of Shapes, a clothing line for women.

In-explain ni Alex kung saan nagsimula ang issue sa kanila ni Kim.

“Hindi ako nag-comment kay Kim. Sa Juicy, parang napag-usapan ang Gerald Anderson and Sarah Geronimo tandem. Si Kuya Pete Ampoloquio, nag-comment siya. Ako, pinagtanggol ko si Kim. Pero, na-edit at ang lumabas na lang sa sinabi ko, si Gerald siguro, dahil nakapartner na rin niya si Kim, it’s time naman siguro na makita ‘yong versatility niya na makapartner ‘yung iba. ‘Yun lang ang sinabi ko at nag-react na sila nang sobra,” esplika ni Alex.

“Basta nakita ko lang ‘yon sa internet. Siyempre, mas masakit ‘yon. Ganoon din pala sila sa lahat. Ini-expect nila, since nakasama ko si Kim, maging kampi rin ako kay Kim. Wala po akong sinasabing against Kim. Kahit naman sabihin kong payat si Kim, eh, pareho naman kaming payat,” dagdag ng dalaga.

Nakakaloka itong fans nina Kim at Gerald. Para silang walang pinag-aralan. Noong una, tinarayan nila si Niña Jose nang sabihin nitong nagkaroon sila ng mutual understanding ni Gerald. Kung anu-ano ang tinawag nila kay Nina. Nitong huli, kinawawa rin nila si Sarah Geronimo at kung anu-ano ring ang itinawag nila rito gayung kahit saan man daanin ay wala talagang sinabi si Kim kay Sarah. Si Kim, hanggang acting lang at sayaw samantalang si Sarah, complete performer.

Ngayon naman, si Alex ang kanilang binibira.

Dapat siguro, bumalik muna sa pag-aaral ang fans nina Kim at Gerald at matututo silang rumespeto ng tao.

Are they learned? Parang hindi!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

12 thoughts on “Mart Escudero at Jennica Garcia, madalas magkulong sa van? – Alex Brosas

  1. ewan ko ba dyan,bakit sobra kung maka react sila! akala nman nila kung sinong super galing talga ni KIM BANGAY! helllooooooooooooooooooooooooo kung umakting parang nag basa ng script! alam naman nila ang showbiz ganyan tlaga ,,criticize ka! kahit ung pinaka sikat kc showbiz eh!

  2. ang sentimyento ng limang fans hindi saloobin ng nakararami!

    may mga die hards lang talaga! isang bagay na dapat matutunan ng mga baguhang artista

    it’s a good thing dahil nakakatulong sa pag spice-up ng phil. showbiz industry (parang noranians-vilmanians), ordinary people find time to involve themselves, kahit di kailangan, just to offer a different perspective na maaaring na-overlook at kailangan sa decision making process para mas maging “hit” ang isang proyekto.

    • talagang nagbilang ka nga!
      HIMALA! mukhang mahinahon kayo ngayon ah, hindi na kayo nagmumurang kamatis ngayon! nag iba na pala kayo ng stlyle! ngayon ko lang nalaman, ano ang tawag sa style na yan, mahinahon style ba?hahaha hahaha parang hindi bagay! kahit anong gawin nyo di ko na makalimutan ang ang paglalait na ginagawa nyo.di u nga mahulaan siguro kung kaninong mga fans ang nag cocoment dito dahil sa dami ng kaaway nyo at nalait! para sa kin luma man o bagong issue walang pinag iba. bwisit pa rin ako sa kimerald. huh

  3. sobrang oa talaga ang mga fans ng kimerald na ito,ang kikitid ng mga utak,ma link lng ng ibang artista o ipareha sa ibang love team,nag mumurang kamatis na ang mga reaction nila,binabasa lng ng host ung mga comment about kimerald, ung host na naman ang pinagbalingan ng sisi, pati ba namang ratings ng tiagong akyat pepeng agimat pinagtatalunan pa! at nag rereklamo sa ratings eh magkakasama naman sila! pati character nila sa td, todo reklamo rin.ano ba talaga ang gusto ng mga walang hiya.paalisin nyo na nga ang kimerald dyan sa abs-cbn nabubuwisit na ako sa mga yan.tapos pinalalabas pa nila na sila ang mga kawawa at inaaway. naku nakakagigil talaga ang mga fans na ito. pag uumpokin ko kaung lahat dyan eh! pati si kim at gerald

  4. matagla na isyu na ‘to!

    kahit saang fan thread ka pumunta sa internet, hindi mawawala ang mga batikos ng ilang fans kahit kanino pa yan! kahit sinong artista fan pa yan! they always have nasty things to say about someone! kay kim nga mas grabe pa at below the belt talaga ang mga tira sa kanya, may narinig ba kayong reklamo sa kanya? subukan nyong pumunta sa tayong dalawa thread ng pex at ewan ko lang kung masisikmura nyo yung mga sinasabi ng iba against her. matagal na kayo sa industriya dapat by now alam nyo na normal lang yan sa mga fans!

    ang sabihin nyo pinapalaki lang ang mga isyu na to kasi wala kayong mahukay na “juicy” topic na tiyak pag-uusapan twing merong product launching, presscon, big events promo, contract renewal, etc. etc.

    diba sara g – record breaker concert
    nina jose – newest tanduay girl launching
    alex g – shapes clothing

    dito lang naman naglabasan ulit ang mga issue na to, makapag-ingay lang e last year ko pa naririnig ‘to!

    who’s next?… GO hangga’t hot pa ang kimerald!

    ang alam ko kasi si kim at gerald narating nila ang mga tinatamasa nila ngayon nang hindi nakikisawsaw sa isyu ng iba!

    • kapal ng naman ng mukha na isama pa si sarah na ginagamit ang kimerald…helloooo you should know by now kng anong status ni sarah sa showbiz….si sarah nakuha nya lahat yan on her own…walang ka loveteam!!!!oh well if thats what they want na kimerald lang forever pwes abs ibigay nyo ang hilig ng fans nila para mabulok ang dalawang talent nyo hahahhaha

  5. OA nmng mga fans yn… tma nmn c alex db… teka nga pncn nyo, nali2nk c gerald s kung kni-knino… (pauleen luna n totoong niligwan tlaga… niña jose during their pbb days… etc…) bkit ke kim hndi, gumicng nga kyo, d tnga mga taong nno2od s inyo noh…

    gus2 ko c gerald tma lng n s iba nmn xa ipartner,,, mov on ok…

  6. pangit ni mart walang dating.. sikat na ang kimerald kaya huwag na sana sila mainsecure sa ibang artista.. ang ganda pala ni nina ngayon ko lang na appreciate ang beauty niya.. dapat si alex brosas at pete ang humingi ng paumanhin sa lahat ng artista na nilalait at pangit ang sinusulat niya mga bruhang brosas at pete!

    • mga barbaridad ang mga kimerald na yan konting pag usapan lang yung idolo nila sa ibang artista todo react na kala mo sila yung pinag uusapan. sobrang oa. anyway nasa dalawa naman yan bakit di nila pagsabihan ang mga fanatic na mga walang modo na kimerald fans. kaya hindi uusad ang industriyang iyan ng pilipinas ay dahil sa mga kimerald fans na yan. i partner nyo yan kay mahal o kay mura asahan nyo tatalak uli ang mga unggoy na kimerald. mga walang modo

Leave a Reply

Your email address will not be published.