Marquez, bigo kay Bradley

NAPANATILI PA rin ni American boxer Timothy Bradley ang WBO welterweight crown nito laban kay four-division world champion Juan Manuel Marquez.

Bagama’t lumabas ang pagka-agresibo ng Mehikano, kapos pa rin ang mga suntok nito sa sobrang mailap na si Bradley.

Halata rin ang pagiging desperado ni Marquez na tamaan ang kanyang kalaban.

Naging epektibo rin para kay Bradley ang kanyang mga jabs at counter-punches para pigilan ang atake ni Marquez.

Sa huling segundo ng 12th Round, nayanig pa ang Mehikano sa naligaw na left hook ni Bradley.

Base sa scorecards, 115-113 (Marquez), 115-113 (Bradley) at 116-112 (Bradley) naidepensa ni Bradley ang titulo via split decision.

Matatandaan na ang nasabing korona ay inagaw ni Bradley kay 8-division world champion Manny Pacquiao sa isang kontrobersiyal na split decision victory.

Noong buwan ng Marso unang idinepensa ng Amerikano ang titulo kay Ruslan Provodnikov kung saan nanalo siya via unanimous decision.

Samantala, sinabi naman ni Nevada State Atletic Commission executive director Keith Kizer, $6-milyon ang magiging guaranteed purse ni Marquez kung ikumpara sa $4.1 milyon na premyo ni Bradley.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.