Marlo Mortel, successful ang first concert

Marlo Mortel

Marlo Mortel

Naging matagumpay ang kauna-unahang concert ni Marlo Mortel na may titulong “MMLuvOPM” sa Zirkoh, Tomas Morato, QC last August 19, produced by Rodel Fernando, Mildred Bacud, at Rommel Placente.

Naging espesyal na panauhin ni Marlo Mortel sina Fourth Solomon na nagbigay ng dalawang awitin, Yexel Sebastian, A Movers, TJ Atienza, Carl Saliente, at ang konedyanteng si Aekaye Tereshkova.

Punung-puno ang nasabing venue sa dami ng mga tagahanga ni Marlo mula sa Marnella sa pangunguna ni Mommy Eves at sa Marlo’s World na sa pangunguna naman ni Eve.
Umawit si Marlo ng walong kanta na talaga namang patok na patok at sinasabayan ng mga tagahanga nito. Pasasalamat nga ang gustong ibalik ni Marlo sa kanyang mga tagahangang pumunta sa kanyang matagumpay na first concert.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.