Marlo Mortel, ini-enjoy ang pagho-host sa morning show

Marlo Mortel, ini-enjoy ang pagho-host sa morning showNag-e-enjoy raw nang husto sa kanyang hosting stint sa ABS-CBN via “Umagang Kay Ganda” ang teen actor at binansagang Boyfie ng Bayan na si Marlo Mortel, kung saan meron itong sariling segment.

Tsika nga ni Marlo Mortel, “Dream come true sa akin ang pagho-host  ‘di pa man ako artista at maging singer, gusto ko na talagang mag-host.
“‘Yung pagkanta kasi, given na sa akin na hilig ko talagang kumanta, ‘yung acting, na-try ko na rin, pero ‘yung pagho-host, challenging para sa akin kasi bago.
“Kaya nga everytime na sasalang ako sa pagho-host, excited ako, kasi natsa-challenge ako.
“Kaya nga thankful ako sa UKG Family kasi binigyan nila ako ng chance para ipakita ‘yung other side ni Marlo, ‘yung hosting side naman.
“Pero aarte pa rin naman ako at kakanta kasi ‘yun ‘yung talent ko talaga na nag-open sa akin ng pinto para makapasok sa showbiz.”
At habang naghihintay nga raw si Marlo ng kanyang next acting projects sa Kapamilya Network, ang pagho-host muna ang pinagkakaabalahan nito sa ngayon, bukod sa kanyang successful business. ang Ornstal.
Xian Lim, muling bibida sa bagong teleserye with Kim Chiu

MASAYANG -MASAYA ANG
mabait at very generous na actor na si Xian Lim, dahil showing pa rin at patuloy na tinatangkilik ng mga Pinoy around the globe ang kanilang pelikula nina Angel Locsin at Vilma Santos, ang Star Cinema movie na “Everything About Her”.
At sa bawat Pinoy na nakapanood nito, puring -puri ang acting na ipinakita rito ni Xian na talaga namang sobrang laki ng in-improve.
May dala ring kikig at may chemistry ang tambalang Xian at Angel na patok na patok sa mga manonood ang kanilang mga eksena sa nasabing pelikula.
Kaya naman pasasalamat daw ang gustong iparating ni Xian sa mga papuri sa kanyang acting sa mga taong nakapanood na ng kanilang movie.
At dapat din daw abangan ang muling pagsasama nila ni Kim Chui sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN, ang “Story of Us”, dahil mas matured at kakaibang Xian daw ang mapanonood dito.

Cong. Manny Pacquiao, may mabuting naidulot ang pahayag ayon kay Cong. Dan FernandezCong. Manny Pacquiao, may mabuting naidulot ang pahayag ayon kay Cong. Dan Fernandez

MAY MAGANDA rin daw na naidulot ang naging opinion Congressman Manny Pacquiao kaugnay sa same-sex marriage na kinukundena nito, ayon na sa rin sa napakabait at generous congressman at tatakbong mayor ng Sta. Rosa, Laguna na si Dan Fernandez, dahil nakita ng lahat ang lakas ng mga LGBT community at ang unity ng mga ito.
Kuwento pa ni Cong. Dan na marahil daw ay hindi naman intensiyon ni Manny na may taong masaktan sa kanyang mga binitiwang salita. Pero mali lang daw ang ginamit na salita ni Manny kaya maraming nasaktan na mga taga-LGBT.
Dagdag pa nga nito na kung ang Diyos nga raw ay nagpapatawad ng mga taong nagkakamali at nagkakasala, tayo pa kaya na tao ay hindi makapagpapatawad.
Pero nirerespeto naman daw nito ang feelings ng mga LGBT na galit na galit kay Manny dahil nasaktan ang mga ito.

Winzon’s Golden Entertainment Production Star Talents & Performing Arts opens Summer Workshops !

ISANG SUMMER Workshops ang hatid ng Winzon’s Golden Entertainment Production Star Talents & Performing Arts sa mga kids, teens, at adults na nagnanais na matutong umarte, kumanta, magsayaw, at mag-modelo.
Ayon nga sa CEO/ President ng Winzon’s Golden Entertainment Production, “Binuksan ko ang aking production para magbigay ng pagkakataon sa mga kids, teens, at adults na mas mahasa pa ang kanilang chosen talents through our workshops. Ito na rin ang magiging pasaporte nila para sa pagpasok nila sa showbiz.”
Ang Winzon’s Golden Entertainment Production ay matatagpuan sa Plaza Andrea no. 18 Interneighborhood St., Holy Spirit Drive, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.
Para sa iba pang detalye sa workshops, tumawag lang sa mga sumusunod na numero: (02) 3481694/ (02) 4308126/ (0917) 5624785/ (0922) 8007065 at hanapin si Mr. Jhun or Ms, Aimz.

John’s Point
by John Fontanilla

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.