Marlo Mortel, ibinabahagi ang kanyang negosyong Ornstal sa celebrity friends

Marlo Mortel

Marlo Mortel

Dahil nga successful sa kanyang business na Ornstal, isini-share ni Marlo Mortel ang kanyang blessings sa kanyang kapwa celebrity sa ABS-CBN sa pamamagitan ng pagbibigay ng Ornstal Bracelet sa mga ito.

Ilan nga sa mga nabigyan ni Marlo Mortel ng kanyang Ornstal Bracelet ay ang mahusay na teen singer na si Darren Espanto, Hashtag Macoy de Leon, Kris Aquino, Janella Salvador, Binibing Pilipinas Universe 2016 Maxine Medina, Bailey May, Jed Madella, Jerome Ponce, Arron Villaflor, Daniel Padilla, Robi Domingo, Johna Chu Chu, Bea Padilla, Sue Ramirez, Vhong Navarro, Ara Mina, Marco Gumabao, Bryan Santos, Amy Perez, Hastag Ronnie Alonte, Sofia Andres, Hashtag Jameson Blake, Loisa Andalio, Joshua Garcia, Maris Racal, atbp.

“Sobrang happy ako kasi habang tumatagal, mas nakikilala at mas nagiging mabenta ang Ornstal. Siguro isang factor kasi ‘yung napo-promote ng ibang artista na nabibigyan ko ng Ornstal. Like si Ms. Kris Aquino na malaki rin ang naitulong para mas makilala ‘yung business ko. Kasi napo-promote ko sa show niya noon ‘pag guest ako, and even siya, ginagamit ‘yung Ornstal na bigay ko sa kanya.

“And si Maxine Medina, ‘yung reigning Binibining Pilipinas Universe natin ay nagsusuot din ng Ornstal. And ‘yung iba pang mga artist na kaibigan ko, nagsusuot at pino-promote din nila ‘yung Ornstal.”

Malaking tulong nga rin ang mga artistang nabigyan nito na nagpo-promote ng Ornstal, kaya naman daw mas lalo itong nakikilala at mas lumalaki ang benta.

Bukod nga sa successful ang business nito, successful din ang kanyang showbiz career, kung saan regular itong napapanood bilang segment host sa “Umagang Kay Ganda” at isa sa celebrity contestant sa “We Love OPM”.

John’s Point
by John Fontanilla

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.